Kayla Pov... Hindi ko masisisi si Alex na ganun ang kanyang naging reaksyon pagkakita sa akin. Kasalanan ko naman eh, hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na magkalinawan kami at magkaintindihan. Hindi maganda ang naging huli naming pagkikita. Nawala na rin siya sa isipan ko dahil kay Erik. Kinailangan kong bumalik agad sa New York para hanapin siya. Sinaktan niya ako pero mas sinaktan ko siya. Siya nasaktan niya ako dahil sa maling tanim sa kanyang utak hindi katulad kong kita ko at alam ko ang nangyayari pero binalewala ko lamang. Blanko ang kanyang mata kaya naman hindi ko mababasa kung anu ang kanyang saloobin pero sapat na sa akin na maintindihan ko ang kanyang pag iwas. Hindi man lang niya binanggit ang aking pangalan. Nasaktan ako sa naging reaksyon niya. Gusto ko pa san

