After 2 Years Alex Pov... "Kayden huwag kang lumayo baka mawala ka!" Sigaw kong paghabol kay kayden. Mga bata ngayon napakabilis gumalaw. Kailangan ko talagang bumalik na sa gym! Hindi ko na kasi siya nasasabayan. Sa kagustuhan kong makalimot noon sa lahat ng nangyari ay nagbakasyon ako sa Hawaii kung saan nakatira ang pamilya ngayon ni ate Mayeth. Doon na kasi sila pumirma ng retirement nila. Iniwanan nila nag buhay nila sa Italy sa hindi ko alam na dahilan. Pero ang ka ilang negosyo doon ay nanatiling namamayagpag. Kakabalik lang namin ni Kayden dahil nagkasakit si daddy. Kailangan niya ng sapat na pahinga. Walang ibang choice kundi bumalik ako para gampanan ang aking tungkulin. Sa aking paglayo ay maraming nangyaring bagay na nagbigay sa akin ng katatagan at tibay ng loob. "Masaya

