Third Person Pov... Naging abala si Alex sa pagpapalakad at pagpapalago ng kanilang negosyo. Pansamantala na kinalimutan niya ang mga dumaan sa buhay niya na ayaw niyang balikan at maalala pa. Para sa kanya iyon ay mga bangungot sa buhay niya na magiging sanhi para siya ay maging isang demonyo. Pinagsabay ni Alex ang pagiging mabuting ama kay Kayden at pinuno sa kanilang negosyo. Ito ang alam niyang paraan para makatanggap siya ng kapatawaran kay Lizzy. Si Lyneth din naman ay bumalik sa kanyang trabaho bilang isnag surgeon. Bagay na nagpagaan sa loob ni Alex. Halos sa ospital na kasi tumira si Lyneth at bibihira sila magkita. Para kay Alex si Lyneth ay isang alaala ng nakaraan. Tuwing nakikita niya si Lyneth ay bumabalik ang nakaraan. Sa lahat ng ka meeting ni Alex kinabukasan ay ang da

