Lyneth Pov... Limang taon na ang nakakaraan pero ganito pa rin kami ni Alex. Simula nagising siya na ako ang katabi niya noon ay walang pinagbago ang pakikitungo niya sa akin. Kamukha ko naman si Lizzy. Magkaparehas naman kami ng kulay ng balat at makinis. Magkaiba lang kami ng piniling propesyon. Yun lang ang tangi naming pinagkaiba pero bakit mahirap abutin ang isang Alex. Anu ang mayroon siya na wala ako? Asawa ko nga siya pero hindi ko mahawakan ang dulo ng kalingkingan niya. Nagkulong ako dito sa aking kwarto pagdating ko at umiyak nang umiyak. Dito ko lagi ibinubuhos ang sama ng loob ko. Hindi alam ng mga tao dito sa bahay kung anu ang nangyayari sa amin ni Alex kapag kami nalang dalawa. We are strangers pretending to be in love in front of our son. Bakit hindi ako kayang mahali

