Alex Pov... Agad kung hinanap si ate Maye pagkarating ko sa bahay. Malakas ang kutob ko na pinlano niya talaga ang lahat ng ito. Imposibleng coincidence ang nangyari. "Alex!" Sita sa akin ni daddy. "No dad! Nasaan si ate? Gusto ko siyang makausap. Alam kong planado niya ang lahat." Pag iling kong sagot. "Bakit anu ba ang nangyari Alex? May masama bang nangyari sa nilakad mo ngayon?" Habol na tanong ni daddy bago pa ako makahakbang paakyat. Napalingon ako sa kanya na hindi makapaniwala. "Dad!" May pagpasusot kong sagot. Nagpatuloy ako sa pag akyat habang tinatawag siya. Hapon na kaya andito na siya sa bahay. "Ate!" "Ate Mayeth!" Tawag ko sa kanya. "Ate Maye lumabas ka jan!" Patuloy kung pagtawag sa kanya. "Alex! Dumating ka na pala!" Maang mangan niyang sambit na talaga nam

