Kayla Pov... Nakalimutan kong ibigay kay Alex ang ipinapamigay ni Bonnie kaya naman napilitan akong pumunta sa bahay nila. Kabilin bilinan kasi ni Bonnie na dapat maibigay ko ang dokumento ngayong araw. Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit kami nagkita. Natuwa naman ako na pagdating ko sa kanilang bahay ay mainit pa rin ang pagtanggap ng kanyang pamilya sa akin. Parang walang nagbago pero hindi ko inaasahan ang magiging reaksyon ni Alex. Akala ko pa naman ay okay na kami! Hindi ko sinadyang akitin siya pero napagtagumpayan ko naman. Ang masaklap wala pala kami sa taguan. Malaya tuloy kaming mapapanood ng sinuman kahit mga butiki. "Daddy!" Sambit ni Kayden. Parang isang bomba na umalingawngaw sa aking pandinig para kami ay biglang maghiwalay. Ang masaklap hindi lang siya ang na

