bc

For The Love Of Thyago

book_age18+
9
FOLLOW
1K
READ
HE
blue collar
lighthearted
office/work place
addiction
like
intro-logo
Blurb

Ang akala ni Gayle, wala na siyang mahihiling pa. Simpleng buhay sa tabing-dagat kasama ang nanay niya, matinong trabaho, at sapat na ipon.

Nagkakalabuan na sila ng nobyo niyang nasa malayo nang makilala niya ang bagong saltang si Thyago. Galing ito sa mayamang angkan, gwapo, matalino, at nakuha agad nito ang loob ng mga tao sa paligid niya. Hindi maitanggi ni Gayle ang atraksiyong naramdaman niya rito.

Pero magkaiba sila ng mundo ni Thyago. Kahit nakakapanghina ang bawat halik at haplos nito, tama lang bang isugal niya ang puso rito?

chap-preview
Free preview
I.
CHAPTER ONE “ARE YOU sure you want to retire in this place, `Ma?” tanong ni Thyago. Kausap niya ang ina sa telepono habang papasok ang kotse niya sa Barangay Lawaan. His mother bought another property there – isang floating restaurant. Fully-renovated naman ang isang bahay na binili nito roon na siyang tinutuluyan niya ngayon. Siya ang pinakiusapan nitong asikasuhin ang bagong negosyong naisip nito. “Oo naman, hijo. You know how sick and tired I am of Manila. It has always been my dream to retire in my hometown,” masiglang sagot ni Tatiana. “Bakit? May problema ba riyan?” Sementado ang daan pero makitid. Paliko-liko at halos dikit-dikit ang mga bahay bagama’t desente namang tingnan ang mga ito. Hindi pwedeng mag-overspeeding. Pero paglampas naman niya sa mga kabahayan ay naroon na ang mahabang seawall at ilang magkakalapit na mga floating restaurant. “Wala,” pabuntong-hiningang tugon niya. “Wala naman.” “Wala ka pa rin bang natitipuhang babae riyan?” may halong panunuksong tanong ni Tatiana. “`Ma.” Pinigilan ni Thyago na ikutin ang mga mata. “Kararating ko lang no’ng isang araw. Sa dami ng pinapagawa mo sa `kin, wala akong panahon para tumingin sa ibang babae.” “You know I don’t buy that bullshit, Thyago. Kailan ka ba magseseryoso? Aren’t you tired of having one-night stands?” “I don’t remember being open with my s*x life, `Ma,” sabi niya. “Wala. In-assume ko lang. Wala ka pang nobyang ipinapakilala sa `kin. Imposible namang wala kang pangangailangan. You’re a man, after all.” Bahagyang napangiwi si Thyago sa tinuran ni Tatiana. “I’ll get married when I’m forty. Happy?” Umismid sa kabilang linya si Tatiana. “Matatanggap ko naman kung husband din ang gusto mo.” Natawa nang wala sa oras si Thyago. “Mama—” Napahinto siya nang isang babae ang pumagitna sa kalsada. Hindi naman siya nag-alanganin dahil mabagal ang pagpapatakbo niya. Nakasuot ng bestida ang babae at nakalugay ang mahabang buhok. Sinenyasan siya nitong huminto. Bakit naman kaya? Ilang sandali pa ay tumingin ito sa likuran nito. May isang inahin ang may kasamang mga bibe na nasa tabi ng kalsada. Sinenyasan nito ang inahin na tumawid na. Kumunot ang noo ni Thyago nang mag-isang linya ang inahin at mga bibe habang tumatawid sa makitid na kalsada. At tila nahipnotismong sinundan niya ng tingin ang mga bibe hanggang sa ligtas na makatawid ang mga ito sa kabilang kalsada. Muling tumingin sa direksiyon niya ang babae at nakangiting yumukod. Tumabi na uli ito at nagpatuloy sa paglalakad sa kasalungat na direksiyon. Nang umandar na uli ang kotse niya ay nadaanan niya ito at napagmasdan nang mabuti ang mukha nito. Nakataas ang bintana ng sasakyan kaya hindi siya nito nakita. “Thyago, nariyan ka pa ba?” untag ni Tatiana. “Ma.” Napangiti siya. “I want a wife, all right?” PASADO alas-dos na nang hapon, pero nadatnan ni Gayle na bagong gising pa lang ang kaibigang si Berry. Sinulit na naman nito ang tulog ngayong day-off nito sa pinagtatrabahuang BPO company. “Kawawa ka naman,” pabirong bati niya nang pumasok siya sa kwarto nito. Nakikigamit siya ng computer at internet kay Berry tuwing nagpa-part-time siya bilang ESL teacher kapag day-off niya sa restuarant. Parang pamilya na rin ang turing sa kanya ng mga magulang ni Berry kaya pwede siyang magpunta roon ano mang oras niya gusto at kahit nasa trabaho pa ang kaibigan. “Kung hindi lang ako magastos, hindi naman ako magtitiyaga sa ganitong trabaho,” humihikab na sagot ni Berry at sinuklay ng kamay ang magulong buhok. “Magkakape ako. Gusto mo?” “Siyempre naman.” Malapad na ngumit si Gayle. “The best ka talaga. Thank you, Bebs.” “Maganda pa.” Lumabas ng silid niya si Berry at narinig pa niya ang sinabi ni Mang Berting na, “Akala ko aswang.” “Pasensiya na at ako ang naging anak n’yo, `Tay,” pasakalye naman ni Berry. Natawa si Gayle nang humalakhak si Mang Berting. Umupo na siya sa harap ng laptop ni Berry. Labinglimang minuto na lang ay simula na ng klase niya. Mabilisan niyang itinali ang mahabang buhok bago nag-login. “HETO NA ang kape mo, Miss Ma’am,” sabi ni Berry nang makabalik na ito sa kwarto dala ang dalawang tasa ng kape. “Salamat, Berrybebs,” tugon naman niya nang ilapag ni Berry sa tabi niya ang kape. Kinuha niya ang tasa at hinipan muna bago inumin. “Buti na lang, may kape.” “Uy, ano nang balita sa plano ni Aling Dorina sa restaurant niya?” tanong ni Berry nang maupo ito sa kama nito. Sumandal si Gayle sa silya at bumaling dito. “Nakiusap na raw siya sa bagong may-ari na i-retain kaming mga dating empleyado niya,” sagot ni Gayle. “Pero hindi pa niya nakukuha ang pinal na sagot mula rito.” “Pa’no kung hindi pumayag?” Nagkibit-balikat si Gayle. “Mapipilitan akong maghanap ng ibang trabaho.” “Saan? Dito?” “Oo naman.” “E, `di ba, matagal nang sinasabi sa `yo ni Brix na mag-resign ka na sa Dorina’s Delicacy at sumunod sa kanya sa Thailand? Ngayong nanganganib na mawalan ka ng trabaho, hindi mo pa rin naisip na sundan siya ro’n?” “Ano naman ang gagawin ko ro’n?” walang-ganang sabi niya. Apat na taon na sila ni Brix at kasinglabo ng tubig-baha ang relasyon nila. Magkaiba kasi sila ng prayoridad sa buhay. Ngayon, teacher na ito sa Thailand habang siya naman ay manager sa maliit na restaurant ni Aling Dorina. Sakto lang ang sweldo at sapat na sa kanila ng nanay niya. May part-time pa siya at sideline. Kung susunod siya ro’n, sino ang maiiwang kasama ng nanay niya sa bahay? Wala siyang mapag-iiwanan dito. May-asawa at nasa malayo na ang mga kapatid niya. Malakas pa naman ang nanay niya, pero hindi pa rin iyon sapat para iwan niya ito. Isa pa, kontento na siya sa ganitong buhay. Madalas nilang pag-awayan iyon ni Brix. Bakit daw hindi siya mangarap nang mataas? Ano pa ba ang pangangarapin niya? Hindi naman na sila naghihirap. Hindi gaya no’ng mamatay ang tatay niya sa aksidente sa dagat. Nahirapan ang nanay niyang itaguyod sila. Kaya nang makatapos siya ng pag-aaral, sinikap niyang makabawi rito. Minsan nga, tinanong siya ng nanay niya kung sigurado na ba siya kay Brix dahil mukhang hindi naman na siya masaya sa relasyon nila. Oo, madalas silang mag-away, pero normal lang naman iyon sa mga magkasintahan lalo na at magkalayo sila, `di ba? O niloloko na lang niya ang sarili niya dahil sa totoo lang, naiisip na rin niya kung may patutunguhan pa ba ang relasyon nila ni Brix? “Alam mo, nagtataka ako kung bakit kayo pa rin ni Brix hanggang ngayon,” sabi ni Berry. Isa pa `to. “Bakit mo naman nasabi?” tanong niya. “Puro gusto lang niya ang dapat nasusunod. Parang wala siyang pakialam sa kung ano ang makakapagpasaya sa`yo. Ngayon ngang magnobyo pa lang kayo, nahihirapan ka na. Paano pa kaya kung mag-asawa na kayo?” Napabuntong-hininga si Gayle. Paano ba niya `to kukontrahin? Wala namang mali sa sinabi ni Berry. Hindi lang niya matanggap na totoo `yon. “Nandito na siguro `yong estudyante ko,” sabi niya at nagsuot ng headphones.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook