CHAPTER 9

1514 Words
THIRD PERSON "Manang Fe, wala pa po ba si Marie? mag aalas otso na ho?" nag aalalang tanong ni Rayven. "Wala pa naman iho, hindi rin naman tumawag para ipaalam kung anong oras siya uuwi." aligaga na ding sagot ni Manang. Paroo't parito na ang lakad ni Mayor, nag aalala na siya sa dalaga dahil hindi man lang nito magawang sagutin ang tawag niya. "Marie, pick up the phone, please!" bulong ni Mayor sa hangin. Hindi na kayang tagal ni Mayor ang paghihintay sa bahay. "Jay, get the car!" utos niya, "pupuntahan natin sa University si Marie, hindi ako pwedeng maghintay lang dito na hindi ko alam kung nasaan siya" mainit ang ulong sabi niya. Agad na tumalima naman ang kanyang body guard at mabilis na pumunta sa garahe para kunin ang sasakyan. Nagmamadaling sumakay si Mayor sa sasak at matulin namang pinatakbo ni Jay ang sasakyan. Pagkarating nila sa University at agad na bumaba si Mayor ng sasakyan at lumapit sa guard. "Magandang gabi po! Mayor," bati sa kanya ng guard na nasa gate. "May mga estudyante paba sa loob at this hour?" halata ang inis sa boses ni Rayven. "Opo Mayor, may game po kasi ng finals ang mens volleyball kaya po ang ibang estudyande ay nasa auditorium pa." mabilis sa sagot ng guard. Habang nakikipag usap si Mayor sa guard ay padating naman si Marie kaya kita niya ang hindi maipintang mukha ni Mayor. "My gosh! Ano kayang ginagawa niya dito?" bulong ni Marie sa isip niya. "Ah- Gerald, mauna na ako, hindi na ako makakasama sa victory party niyo nandito na ang sundo ko at mukang galit na." paalam ni Marie kay Gerald. "Samahan na kita, para maexplain ko kay Mayor kung bakit ka ginabi." sagot ni ni Gerald. Hinawakan niya ang kamay ni Marie habang papalapit sila kay mayor. Hindi mapigilan ni mayor ang galit ng makita niya si marie na may kasamang lalaki at magka holding hands pa habang papalapit sa kanila. Nakarating sila ng mansion ni Rayven na patuloy sa pag tatalo. Pag hinto ng sasakyan ay agad na bumaba si marie at walang imik na pumasok sa loob ng bahay. Naiwan sa loob ng sasakyan si Rayven at Jay na nagkatinginan. Napapakamot na lang ng buhok si Mayor dahil sa katigasan ng ulo ng kanyang alaga. "Marie, what does this mean?" tanong ni mayor sa dalaga habang ang mga mata ni Marie ay nakatngin sa mga mata ni Mayor. "Good evening po! Mayor, pasensya na po kayo, inaya ko po kasi si Marie na manood ng game namin kaya po ginabi na siya." paliwanag ni Gerald. Itinikom ni Mayor ang kanyang kamao sa inis sa lalaking kaharap niya. “Marie, get in the car now,” Mayor said firmly. Biglang nakaramdam ng takot at pagkapahiya si Marie, sa mga taong nakakakita sa kanila. Gusto niyang sumagot pero hindi niya ginawa dahil ginagalang ng mga tao si Mauyor. Tahimik siyang naglakad at di niya namalayan na tumutulo na pala ang luha niya. Tahimik siyang pumasok sa sasakyan habang si Jay ay nasa labas pa at hinihintay si mayor. "Mayor, huwag 'nyo pong pagalitan si Marie." nag aalalang sabi ni Gerald. "Who do you think you are to send me messages about what I should do? Staying away from Marie is the best thing you can do young man." paninindak ni Rayven kay Gerald. Nilapitan na siya ni Jay, nakikita na ng body guadr niya ang galit sa mukha ng binatang Mayor. "Mayor, hindi pa po ba tayo aalis? Nasa loob na po ng sasakyan si Marie." ani Jay sa kanyang amo. Saka pa lang kumilos si mayor at naglakad palayo kay Gerald. "Iba ka din, Mayor, daig mo pa ang tunay na magulang sa pagka over protective sa anak. Bakit parang iba ang nakikita ko sa galit mo kanina? Para kang jowa na nag seselos, yung wala naman label pero kung umasta daig pa ang boyfriend." pang aasar ni jay kay Mayor. Hindi lang body guard ni Mayor si Jay, matalik niya din itong kaibigan. Magkababata sila at sabay silang lumaki. Magkaklase din sila noong elementary sila hanggang sa highschool. Nag hiwalay lang sila noong nag aral na si Mayor sa America kasama sina Harold, Richard, Carlo at Alvin. Isang magaling na pulis si Jay at noong nanalo si Rayven bilang Mayor ay kinuha niya si Jay bilang body guard niya. Pag pasok ni Mayor, sa loob ng sasakyan ay inabutan niya si marie na tahimik na nakatingin sa labas ng bintana. Nakaramdam siya ng awa sa dalaga pero hindi niya pinahalata. "Are you hungry? Gusto mo bang kumain muna bago umuwi?" mahinahong sabi ni Mayor. "No! I just want to go home." malamig ang boses na sagot ng dalaga. Inutusan na ni Mayor na paandarin ang sasakyan at sa buong biyahe ay tahimik lang silang tatlo sa loob ng sasakyan. "Bakit parang may lovers quarrel kayong dalawa?" natatawang sita ni Jay sa mga kasama niya. "Kuya Jay, mag drive ka na lang po at baka uminit na naman ang ulo ng isa jan." inis na sagot ng dalaga. "Sino ba namang hindi iinit ang ulo? Hindi ka nagpaalam sa akin, at maging ang tawag ko sa cellphone mo hindi mo sinsagot?" mataas din ang tonong sagot ni Mayor. "Paano ko po sasagutin kung hindi ko naririnig ang tawag? Malakas ang sigawan sa auditorium, paano ko po maririnig ang tawag mo?" mataray na sagot ni Marie. Wala siyang balak magpatalo kay Rayven, inis na inis siya sa ginawa sa kanya ng binata. Hindi naman niya kailangan na magalit sa harapan ng kaibigan niya. Alam niya naman na mali siya at hindi niya namalayan ang oras, kaya naiinis siya sa inasta ni Rayven sa harap ni Gerald. "Jay, mali ba ako?" seryosong tanong ni Mayor. "Hindi mali na mag alala ka para sa kaligtasan niya. Pero wag naman sobra, alalahanin mo dalaga na siya at ilang buwan na lang mag dedebut na siya. May sariling buhay din si Marie at normal sa dalaga na may kasamang binata. Nakita ko ang galit mo kanina nang makita mong may kahawak kamay ang alaga mo. Huwag mong sabihing nag seselos ka?" pang aasar ni jay sa kanyang kaibigan. "Stop teasing me, Jay. Ginagawa ko lang ito dahil ibinilin siya sa akin ng kaibigan natin." "Ohhh.. Defensive ka masyado Mayor Rayve." sagot ni Jay kasabay ng malakas niyang pagtawa. "Bahala ka nga di yan." sagot ni Rayven sabay bukas ng pinto saka bumaba ng sasakyan. Pag pasok niya sa loob ay agad hinanap ng mata niya si Marie. "Manang, kumakain na po ba si Marie?" "Naku iho, dumiretso na sa silid niya at hindi pa bumababa hanggang ngayon. Nakasimangot nga kanina at matamlay, ano ba ang nangyari sa batang yon?" tanong ni manang. Nagpaalam si Rayven na pupuntahan lang si Marie sa silid nito para kausapin. Pagtapat niya sa pinto ng silid ni Marie ay marahan niya itong kinatok. Pag pasok niya sa loob ay nakita niya ang dalaga na nakadapa sa kama nito at hindi pa nagpapalit ng uniform. "Hmm...hmmm... Are you crying?" pag bubukas ni Rayven ng usapan. Wala siyang narinig na sagot mula sa dalaga. "I'm so-sorry! Kung nagalit ako, I'm just worried kaya naging ganun ang reaksyon ko." paliwanag niya. Bumangon si Marie at umupo sa kanyang kama at pinahid niya ang kanyang luha. "I know it's my fault, pero hindi mo kailangan maging rude sa harap ng ibang tao. You're not my dad, and even my dad did not do that to me." Umiiyak na sabi ni Marie. "Is that man your boyfriend?" "No! I have no boyfriend for now, maybe tomorrow meron na," pang iinis ni Marie. "Don't you dare," sagot ni Rayven. "Try me Mayor, hindi na masama na sagutin ko si Gerald, 4yrs na naman siyang nanliligaw sa akin. Siguro it's about time para magka boyfriend na ako." sagot ni marie na ikinagalit ni Mayor. "Huwag mong sinasagad ang pasensya ko Marie, subukan mong sagutin ang lalking yon at ako mismo pagpapatalsik sa eskwelahang pinapasukan niya." Banta ni Mayor sa dalaga. "Grrrrr............... Ano ba kasing ginagawa mo dito sa kwarto ko? Sinundan mo lang ba ako dito para inisin at galitin!" galit na sigaw ni Marie kay Rayven. "Bakit hindi mo na lang ako hayaan na umuwi sa bahay namin? Kaya kong mag isa, may mga kasambahay naman kami. Please! Hayaan muna akong umuwi sa bahay namin." umiiyak na pakiusap ni Marie kay Rayven. Nabigla ang binata kaya nilapitan niya agad ang dalaga at pilit na pinapakalma. “Sshhhh... I’m sorry, I’m sorry if I’m being strict with you. I just want you to be okay. I was scared earlier because it was already night and you weren’t home yet. I’m so sorry, Marie...” mayor said with full of sincerity. Hinawakan ni mayor ang pisngi ng dalaga at pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa kanyang mga pisngi. "Huwag ka ng umiyak, sorry na, patawarin muna ako." malambing niya muling sabi. Kinilig naman bigla si marie dahil sa naging gesture sa kanya ni Mayor, feeling niya sobrang ganda niya ng mga oras na iyon..............
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD