bc

Mayor Rayven's Hidden Desire

book_age18+
1.1K
FOLLOW
16.7K
READ
billionaire
family
HE
age gap
opposites attract
goodgirl
heir/heiress
drama
tragedy
sweet
bxb
gxg
lighthearted
campus
office/work place
secrets
like
intro-logo
Blurb

BLURBSa bayan ng San Isidro Nueva Ecija, nanunungkulan si Mayor Rayven Torres isang lalaki na may mabuting puso at kilala sa pagiging isang matapat at marunong mag malasakit sa kanyang nasasakupan. Sa edad na trenta ay hindi niya pa natatagpuan ang babaeng magpapatibik ng kanyang puso. Ngunit may isang pangyayari na hindi niya inaasahan, isang trahedya na magpapabago ng kanyang buhay. Isang araw nabalitaan ni Mayor Rayven ang isang kagimbal gimabal na pangyayari tungkol sa kanyang kaibigan. Naaksidente ang buong pamilya nila kaya Agad niya itong dinalaw sa Ospital na pinagdalahan sa kanila para tignan kung ano ang kondisyon ng mag anak. Sa huling sandali ng buhay ng mag asawang Mercurio ay inihabilin nila ang kanilang anak na si Mharimar kay Mayor Rayven para siya ang maging tagapangalaga nito.Mharimar "Marie" Mercurio isang masayahing dalaga at may pagka-pilya. Nag iisang anak ng kanyang mga magulang. May angking ganda na hindi magpapahuli kagaya ng mga artista at mgamodelo na napapanood natin sa telebisyon. Sa edad na disisyete ay maagang naulila sa kanyang mga magulang dahil sa isang aksidente. Dahil wala na siyang kamag anak na pwedeng mag alaga sa kanya ay iniwan siya sa pangangalaga ng isang Mayor na kaibigan ng kanyang ama. Tutol man siya sa ginawa nga kanyang ama ay wala na siyang nagawa dahil iyon ang huling hiling ng yumao niyang magulang.Naging malapit si Mayor Rayven sa dalaga at hindi niya namamalayan ang unti unting pagbabago ng puso niya. Mula sa pagiging Guardian ay unti unting nahuhulog ang loob ng binata sa kanyang alagang si Marie. Ang mga simpleng ngiti ng dalaga sa kanya, ang pagiging pasaway nito at mapang asar at ang pagiging malambing nito pagka minsan sa kanya ay nag dulot ng kakaibang damdamin sa puso ng binatang Mayor.Isang pag-ibig na hindi niya inaasahan, isang pag ibig na nagsimula sa pagiging guardian at nauwi sa isang tunay na pagmamahal. Ngunit alam ni Mayor Rayven ang malaking agwat ng kanilang edad at ang responsibilidad niya sa dalaga. Paano niya sasabihin ang kanyang nararamdaman? Paano niya haharapin ang komplikasyon ng kanyang pagmamahal sa dalaga? Isang mahirap na desisyon ang kanyang haharapin, isang desisyon na pwedeng magpabago ng takbo ng buhay nilang dalawa ni Marie. Kakayanin kaya ni Mayor na ipaglaban ang damdamin niya sa kabila ng mapanghusgang mundong ginagalawan niya. Alamin natin kung ano ang kahihinatnat ng pag iibigan nila Mayor Rayven Torres at Mharimar Mercurio sa kwentong "MAYOR RAYVEN'S HIDDEN DESIRE"

chap-preview
Free preview
Chapter 1
MAYOR RAYVEN "Ang ating bagong Mayor ng San Isidro, Mayor Rayven Torres." malakas na palakpakan at sigawan ang naririnig ko sa bulwagan ng comelec dito sa loob ng Munisipyo. Ako ang nanalong Mayor sa kakatapos lang na eleksyon, ako ang pumalit sa posisyong iniwan ng aking ama. "Congrats po Mayor." "Ang pogi ng bagong mayor" "Mayor I love you." Mga salitang naririnig ko sa aking mga taga suporta. Ako si Rayven Torres, negosyante bago pa ako sumabak sa pulitaka ay kilala na ako sa larangan ng pagnenegosyo. Ako ang pinatakbong mayor ng aming ama para ipagpatuloy ang mga proyektong nasimulan niya at sa mgandang track record ng aming pamilya pagdating sa larangan ng serbisyo publiko. "Congrats anak, you made it." masayang bati sa akin ni Daddy. Halos wala pa kaming tulog lahat dahil sa pagbabantay ng bilangan. Si Daddy ang incumbent Mayor kaya sobrang saya ng pamilya namin dahil ako ang nanalo. Mag uumaga na ng umuwi ako sa bahay ko. Dumiretso na ako sa aking silid para maglinis ng katawan at para maktulog na masyado na akong pagod dahil sa ilang lingong kampanya. Ilang buwan na simula ng maupo ako bilang Mayor araw- araw ay halos mapuno ang aking opisina ng mga taong humihingi ng tulong, isa na si aling Lorie na gustong tulungan ko ang isang babae na alaga niya. Natatakot siya na baka manganib ang buhay nito kung mananatili sa bundok. Kaya sinabi kong pumunta sila sa thanks giving party ko na gaganapin sa mansion ng aking mga magulang para makita kung ano ang maitutulong ko sa dalaga. Hindin ko agad naasikaso ang thanks giving party ko dahil sa daming trabaho sa munisipyo at kabi-kabila din ang imbitasyon ng aking mga malalapit na kaibigan. Sumapit ang araw ng thanks giving, alas sais pa lang ng gabi ay dagsa na ang mga taong makikisaya sa amin. Isa isa ng nagdaratingan ang mga kaibigan at mga kabaryo ko na sumuporta sa kandidatura ko. May napansin akong isang babae na nasa pool area nakatayo sa edge at sa tingin ko ay tatalon kaya mabilis akong kumilos para lapitan siya. Saktong pag lpit ko sa likod niya ay siya niyang pagharap kaya bumangga sa akin kasabay noon ang paglapat ng labi niya sa labi ko. "Pak!" isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. "Bakit mo ba ako sinampal?" pagalit na tanong ko sa babaeng nakatawag ng aking pansin. "Bakit hindi kita sasampalin eh, nanghahalik ka." pasinghal niya ding sagot sa akin. "Excuse me miss, hindi ako ang nanghalik sayo tinulungan lang kita dahil akala ko tatalon ka sa pool. Matapos ang insidenteng yon ay kinuha ni Mayor Rayven si Tina para magtrabaho sa kanya at para pagbigyan ang hiling ni nanay Lorie na tulungan niya ang dalaga. Mabait si Tina at napag alaman din ni Mayor na may nagtatangka sa buhay ng dalaga kaya mas nais niyang sa bayan na ito tumira. Binigyan niya ng bahay na matitirhan si Tina at ginawa niya ang lahat para maging komportable ang dalaga. Sa araw araw nilang pag sasama ng dalaga ay unti unting nahulog ang loob nito sa dalaga. Mabait si Tina at tahimik lang kagaya niya ay matulungin din ang dalaga kaya mas lalong napapa lapit ang kalooban niya dito. Hindi nag laon ay niligawan niya ito, ngunit napag alaman niyang may ex boyfriend ang dalaga na magpahanggang ngayon ay mahal pa din niya ito. Hindi naman nagtagal ang panliligaw niya kay Tina at bago mag isang taon ay sinagot na siya nito. Masayang masaya si Rayven dahil para sa kanya si Tina na ang gusto niyang makasama habang buhay. Pinag sabay niya ang pagiging Mayor ng bayan ng San Isidro at pagiging kasintahan ni Tina. Naging masaya sila ng dalaga at lahat ay ginawa niya para lamang mapasaya ito. Kahit anong dami ng kanyang trabaho ay hindi niya pinababayaan si Tina madalas niya itong puntahan sa bahay na tinitirhan nito. Kagaya ngayon kasama niyang maghapunan ang dalaga at pinag luto niya pa ito ng paborito niyang adobo. Kasalukuyan silang kumakain ng tumawag ang isa niyang tauhan. "Saang ospital sila dinala?" kinakabahang tanong niya. Ang pamilya ng kaibigan niya ay nagkaroon daw ng aksidente habang sila sa pauwi galing sa isang gathering na kanilang dinaluhan. "Mauna na kayo doon a alamin niyo kung ano ang totoong nangyari." utos niya sa tauhan niya. "Babe, pasensya na i have to go naaksidente ang mga kaibigan ko at nasa ospital sila ngayon at kritikal ang lagay nila." paalam niya kay Tina. "Okay babe, pumunta kana baka may kailangan pa sila mabuti ng andoon ka." ani naman ng dalaga. Nagmamadaling umalis si Rayven at nang punta sa General Hospital. Nasa entrance pa lamang siya ang sinalubong na siya ng pulis na nag iimbestiga. "Kamusta ang pamilya Mercurio?" hinihingal na tanong niya sa pulis. "Kritikal po ang mag asawa Mayor, pero ang anak po nila ay stable na at nailipat na sa private room niya. Ang mag asawa naman po ay patuloy pang ginagamot sa Operating Room." sabi ng pulis sa kanya. Dali - dali siyang pumunta tumakbo papungta sa Operating Room para alamin ang kalagayan ng mag asawang kaibigan niya. Padating pa lang sya ay nakita niya ng lumabas ang doctor galing ng O.R. "Nandito po ba si mayor Rayven?" narinig niyang tanong ng doctor. "Doc, Im here!" malakas kong sigaw. Napatingin sa kanya ang doctor at agad siyang inutusan na mag suot ng PPE at gusto siyang makausap ng pasyente. Mabilis akong nagbihis at pumasok sa OR natatakot man ako dahil sa dami ng dugong nagkalat ay nilakasan ko ang akin loob. "Bro, I'm here." bulong niya sa lalaking Mercurio, "Thanks bro at nakaabot ka." mahinang sabi niya sa akin. "B-bro, i- i-ikaw na ang ba-ha-la sa anak namin," halos mawalan na ng hininga na sabi ng kaibigan ko. "Bro, t- take g-good c-care of our daughter. I-ikaw na ang bahala sa kanya." muling biin ng aking kaibigan. "Bro, wag kang magsalita ng ganyan, makakaligtas kayo dito. Kailaingan pa kayo ng anak ninyong si Mharimar, bro." kausap ko sa kaibigan ko habang hawak siya sa kanyang kamay. "M-mayor, i-ikaw na ang baha.....la............." huling sbi ng kaibigan ko at pag tingin ko sa monitor ay sabay pa silang nag flat line na mag asawa...... Hindi ko alam ang gagawin ko, paano ko aalagaan ang anak nila kung ako nga wala pang anak. "Bro, gising......bro, gising........" sigaw ko habang niyuyugyog ang balikat niya habang hindi ko na napigilan ang pag agos ng aking luha.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.2K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.1K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.7K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook