RAYVEN Naiuwi ko na si Marie dito sa bahay ko, masaya naman kaming dalawa at ramdam ko na mahal niya ako. Pero dahil medyo bata pa nga ang edad niya ay hindi maiiwasan na minsan lumalabas pa din ang pagiging childish niya. Nagpaalam siya sa akin na mag papa enroll sila bukas kasama ang mga kaibigan niya. Pumayag ako basta kasama niya si Jhay para maging bodyguard niya. Tinutulan niya noong una pero kalaunan ay pumayag din siya. Gabi na nang magpaalam ako sa kanya na pupunta sa bar kasama ng mga kaibigan ko. Umuwi kasi dito ang kaibigan kong doctor kasama ang kasintahan niyang nurse. Ang paalam ko kay Marie ay dalawang oras lang ako mawawala pero hindi ko natanggihan si Richard at inabot kami hanggang madaling araw. Umuwi ako sa bahay na lasing na lasing at hindi ko na alam ang ginagawa

