RAYVEN Ilang araw na kaming hindi nag uusap ni Marie simula nang manggaling kami sa resort at hinalikan ko siya. Hindi ko alam kung iniiwasan niya ba ako, naging abala din ako sa munisipyo kaya minsan hindi na kami nagpapang - abot sa bahay. Kapag darating ako sa gabi tulog na siya kapag gigising naman ako either tulog pa siya o nakaalis na siya. Bandang alas kwatro na ng hapon nang maisapin ko ng umalis sa munisipyo, dala ang mga gamit ko ay lumabas ako ng pinto. "Agnes, pag may nag hanap sa akin sabihin mo na may meeting ako sa labas. Baka hindi na din ako makabalik. Ikaw na ang bahala dito ikaw na din mag sara ng opisina." utos ko sa aking secretary. Naglakad ako pababa ng hagdan at nakasalubong ko si Jay na nakikipag marites na naman sa mga staff. "Jay, let's go!" sabi ko sa kanya

