MARIE "Mahal, pwede ba akong pumunta ng Baguio para mag aral," Nakaupo kami ngayon ni Mayor dito sa may veranda ng silid ko, nakauwi na kami ngayon dito sa bahay niya. "Mahal, pwede bang dito ka na lang, mahihirapan akong puntahan ka sa baguio araw-araw." "Hindi mo naman ako kailangan puntahan doon everyday, pwede naman pag weekends ako na lang ang uuwi dito." sagot ko. "Mahal, hind kita mababantayan doon, saka hindi na ako sanay na hindi ka katabi sa gabi matulog." paglalambing niya sa akin. "Marami namang magagandang Universities dito sa atin bakit kailangan mo pang lumaya. Kahit saan dito sa Nueva Ecija ka mag aral huwag lang sa baguio." pagkumbinsi niya sa akin. Sabagay may point naman siya, mahirap mag aral lalo sa malayo. "Mahal, pwede na ba ako mag pa enroll bukas. Sasabay

