RAYVEN Sumunod ako kila marie dito sa highlands, wala akong tiwala sa mga kasama nilang lalaki. Lalaki din ako kaya alam ko ang mga galawan nila. Maganda si Marie at nanliligaw sa kanya yung tukmol na Gerald kaya kahit sabihin ni Jay na tirador ako ng bata ay wala akong pakialam. "Jay, mukang kakain na sila, pina deliver muna ba ang letchon na inorder mo kanina?" tanong ko kay jay. "YEs Mayor, pinahatid ko na sa villa nila." sagot sa akin ni Jay. Masaya akong makita na nakangiti si Marie, ang simpleng ngiti niya ay malaking kasiyahan na ng puso ko. "Boss, bakit hindi mo na lang lapitan ang alaga mo ng hindi ka jan panay tanaw. Nakakapagod kaya yang ginagawa mo." sita sa akin ni Jay. Kanina pa kasi ako nadin sa veranda at tinatanaw si marie. "Shhhh.... Shut up! Jay, kung ayaw mong isu

