MARIE Ilang araw na kaming hindi nagkikita si mayor simula nang magtalo kami dahil sa paghatid sa akin ni Axel. Ang sabi ni Kuya Jhay ay busy daw siya sa munisipyo, hindi rin siya masyadongumuuwi dito sa bahay kaya madalang talaga kaming magkita. Bukas na din ang pasok namin sa University, plano namin ng mga kaibigan ko na kumuha ng apartment na malapit sa campus para hindi na kami mahirapan sa pag biyahe araw-araw. Nandito ako ngayon sa silid ko nag bibihis dahil pupunta kami ng Campus para bumili ng uniform na gagamitin namin bukas. Kaklase ko pa din ang dalawa kong kaibigan kaya alam ko na magiging masaya pa rin ako. Ayaw ko din maglagi dito sa bahay ni mayor dahil mula ng maging boyfriend ko siya pakiramdam ko nasasakal ako sa kanya. Hindi ko rin sya maintindihan, minsan iniisip ko

