Chapter 5

581 Words
July 4 I'VE GOT THICK skin and an elastic heart. Pota, LSS ako kay Sia. Hahahaha. Ukinam, hinalughog ko playlist ko, 'yon at iyon pa rin pala kaya naghanap ako sa YouTube ng kanta. Walang kinalaman ang mga susunod sa paunang linya. Talagang natipuhan ko ang kantang iyon at naghanap pa ako ng mga cover. Nagpulong kami ng mga kasamahan ko sa club na may free food lagi (nanggagaling sa ambag namin every month). Ayon, wala namang kwenta iyong club na 'yon, eh. Illegal pa nga kami dahil bigla na lang sumulpot iyon at walang approval ng nakatataas. Ang tanging purpose lang namin ay ang tumulong sa kapwa. All around, kumbaga. Mala-Jack of All Trades. Syempre, malawak ang information network kaya walang nakalalagpas na issue. Ay pota binabasa pala 'to ni Marcus. No erasures pa, baka isingko na talaga ako no'n (kupal talaga, journal nga, tapos babanatan ka na dapat walang bura). Point ko lang naman, existing pa rin kami, active. Iyong presi namin, makisig 'yon. Babae siya pero iba tindig ni Mayora. Sabi niya kanina, nabuo ang club na iyon dahil sa layuning magkaisa ang student body in times of trouble Mother Mary comes to me. Walang words of wisdom si Mayora kanina, dahil para sa'kin, wala namang nagagawa itong club ngayong taon dahil si Marcus lang ang biggest scoop. Sumali lang naman ako kasi akala ko high lang iyong kaklase ko na pinapasali ako't nag-migrate na sa ibang bansa. Pero alam ko siya ang nagbebenta ng muddy water (apply pahindot tone to notice the result, it's m*******a if you're wondering) dito no'n. Source: syempre silang member ng club. Hindi nahuli, pero tumigil kasi nabalita pa sa telebisyon. Napakanta ulit ako no'ng thick skin habang nagsusulat tapos narinig pala ako ni Evan. “Matagal nang naghahanap si Jay ng vocalist namin, ikaw na lang,” sabi niya.  Hindot. “Ano'ng kakantahin ko? Sia? Chandelier, gano'ng tipo? Baka hagisan pa ako ng wig sa stage,” sabi ko. Pumasok na si Evan sa kwarto at sinara ko na ang journal.  “Look, I just gathered my s**t and I don't need a distraction. I have to finish whatever I am doing, Evan,” I said. Evan walked backwards. “You don't have to sound irritated, Ed. There's no need for alienation. Grow the f**k up, it's not as if we're not connected by blood.” Nag-init ang ulo ko. “Are we now? You should've thought of that before you went batshit crazy about Helen and screwing things for me.” Evan striked me in the face. I was left dumbfounded. Tangina, nahilo ako. “Quit acting like a p***y because you already look like it. Hindi umiikot ang mundo sa iyo. The world doesn't owe you any f*****g favor, you dense f**k,” Evan said through gritted teeth. “Hindi ako pinalaki nila Mama na nananakit ng kapatid pero may hangganan din ako. Kung ito ang gusto mo, sige. Napakakunat ng mindset mo. Nadarag ka na nga sa homebase, sinakripisyo mo pa 'yong support.” Tinalikuran na niya ako at iniwang nakabukas ang pinto. Sinapo ko ang nasaktang mukha. Nahiga muna ako sa kama bago nagsulat muli. Ayon na nga, about the club I've been telling you about. Masaya ako kapag nandoon ako sa club. Iyong sayang marami kang kaibigan, close or not, at nagkakaisa kayo. Hinahanda kasi namin lagi ang sarili kung hihingiin ng pagkakataon. Again, Jack of All Trades. Nawala na iyong drive kong magsulat. Bawi na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD