July 1
KUPAL ALERT ITONG si Cielo. Tuloy na tuloy ang lakad namin ngayong gabi kasama si Sara at ang best friend nitong si Kaye. Kaso, kagaya nga ng sinabi ko, isang maling ehemplo si Cielo ngayong gabi na naturingang may bayag.
Yamot na yamot na rin sa akin si Kaye. “Edgar, malilintikan talaga ako nito kay Brad!” ani Kaye kasabay ng pagtaas ng kilay, pag-ayos ng buhok, at hindi pa pinalampas ang pagtanggal ng tinga sa harap ko. Hindi ko naman napigilang tumawa sa harap niya.
“Ano'ng nakakatawa?” pagsusuplada nito.
“May magulang pa palang magpapangalan ng 'Brad' sa uhugin nilang anak. I mean, come on, let me guess. Pasok itong si pareng Brad sa laging na-i-steroptype. Tunog pa lang ng pangalan, alam mo nang naka-baseball cap ito ng patalikod, nagsusuot ng sunglasses sa loob ng campus kahit na walang araw, at akala mo ay hari ng pasilyo. Actually, that sounds funny. Brad, ang hari ng pasilyo! At walang karoma-romansa sa katawan,” sabi ko.
Hindi napigilan ni Kaye ang mapangiti. “Tama ka. But what else is new? Inborn na ang katangahan sa kaluluwa ni Sara! She ditched you over Cielo because she wanted you, guys, to stick with your friendship. Tapos ayan. Si Brad na kung manligaw ay patabaing baboy ang turing sa nililigawan dahil iyon lang ang alam niyang gawin.”
Sinapo ko ang batok ko. “Tinawid na namin ang tulay at nakarating na kami sa mga paroroonan namin. Ayos na kami ni Sara. The only thing that is left unheard is Cielo's mating call. You know what I mean.” Nakita ko ang pagtalas ng mga mata ni Kaye kahit na mababanaag ang pagod at antok. “Ibig kong sabihin ay iyong natatangi niyang pagmamahal kay Sara. Pinakilala ko na sa kung sino pero siya pa rin ang hanap. At kita mo nga naman, sabay kaming lumaki no'n pero siya lang ang lumaking gago. Iniwan tayong dalawa rito at sinolo si Sara. Which is not his style, really, hindi niya ginawa iyon sa akin, ang dalhin sa kung saan si Sara noong kami pa.”
Kaye shifted on her seat. “Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung pumayag din si Sara na dalhin siya sa kung saang lupalop. b***h, please, may pasok pa bukas at sinabihan niya akong i-drive ko siya pauwi or kung inumaga na talaga, doon na ako matulog sa kanila.”
Nag-desisyon na ako. Tutal ay mukhang hindi na magpapakita ang dalawa anumang oras. “Do you want me to order you another drink?” I asked.
Kinumpas ni Kaye ang isang kamay. “Nah, don't bother.”
“Okay, then. Ako na ang maghahatid sa bahay niyo gamit ang kotse mo. Magko-commute na lang ako pauwi.” Hinintay ko ang desisyon ni Kaye.
Nalukot ang mukha nito nang tingnan ang oras. “A las dos na pala,” anito.
Tumayo na ako at bahagyang yumuko upang magkarinigan kami. “Gabi na kasi tayo nagsimula at masyadong nalunod sa alak kung hindi lang biglang naglaho ang dalawa.” Sinang-ayunan ni Kaye ang sinabi ko habang inaayos ang bag nito.
Tumuwid ako ng tayo at inikot ang paningin sa paligid. Sa isang club kami niyaya ni Sara at treat daw nito lahat ng gastos. Nagpumilit naman akong pumunta sa ibang lugar, iyong walang bisyo at tukso, sinabi ko ring sagot ko na ang gastos. May pasok din kinabukasan kaya mainam na huwag uminom ngayong gabi. Pero dito pa rin ang naging bagsak namin dahil wala kaming kotse ni Cielo at sa utos ni Sara, dito kami dinala ni Kaye na siyang may kotse.
Ilang minuto pa ay ini-start ko na ang kotse. Nakailang subok ako pero hindi umaandar. Napapalatak ako nang makita ko ang dahilan. Siya ring pagsabi ni Kaye ng malutong na PI. “F for finishing move. Wala nang mas ki-clichè pa sa ubos ang gasolina,” anito.
“'E' kaya. Empty, o,” puna ko.
“Ay, nabangag. E for epiphany. I realized that if a problem arised, there would be a bigger problem than the latter then it's raining with exponentially increased problems. Sorry, Edgar. Nakalimutan ko magpa-gas.”
“Tanga meets tanga,” pakonswelo ko.
“Okay lang,” pagpapatuloy ko. “Iniisip ko na ring hindi pumasok dahil mapupuyat tayo ngayong gabi, na nangyari na nga. Ikaw lang ang inaalala ko. Do you want me to get you a taxi? Pero mas mainam na ihatid kita sa inyo.”
Nakatingin si Kaye sa cell phone nito. “Kanina ko pa tinatawagan si Sara. No return call. Kahit text.”
“Tara na.”
“Huwag na.”
“Taxi?”
Umiling ito. “No, thanks.”
“May exam ka bukas,” paalala ko.
“Oo nga. Sa P.E.,” anito.
“Ah,” sabi ko na lang. Irreg nga pala ito.
Hinarap ako ni Kaye. “As Sara's friend, I can assure you na hindi pinapaiyak ni Brad si Sara.” Mula sa bundok ng tralala ay sabi nito.
“Okay,” sabi ko. “Wala ka nang dapat pang sabihin sa akin na tungkol sa kanila ni Brad. That's none of my business.”
Kaye rolled her eyes. “I know. I'm just getting it out of the way dahil baka mag-segue ako mamaya. Na-curious kasi ako sa sinabi mong 'tanga meets tanga' so I want us to talk about it dahil makapal ang mukha ko kaya as much as possible, gusto ko nang burahin ang pangalan ni Brad sa usapan natin mamaya.”
Iminuwestra ko siyang magpatuloy. “As you wish,” sabi ko pa. “Sabihin mo na ring hindi ka pa nakaka-get over sa nagawa mong katangahan,” dugtong ko.
Siya namang pag-alpas ng kakaibang Kaye. Hinampas nito ang noo nito na nagsasabing natumbok ko nga. Natumbok ko na. “See? Okay, wait. Brad issue muna. Joke, ako lang ang gumagawa ng issue. Wala naman akong ibang pagsasabihan nito lalo nang hindi kay Sara dahil boyfriend niya iyon at lalong wala akong ibang friends within school dahil irreg ako. Hanggang doon lang ang kaya ni Brad. Ang huwag paiyakin si Sara. Pero iyong i-invest niya ang sarili emotionally, hindi niya magagawa. He's all about pa-cute and public display of affection na awkward, and trophy girlfriend. But that's from my perspective. Ito namang si Sara, syempre, she has little control on her heart kaya whoever comes, if they are willing and dedicated to win her withered heart, she will return the favor by being someone's girlfriend. Wala sa kanya iyong looks. Basta puso ang batayan. I mean, oo, hindi siya pinapaiyak ni Brad or sinasaktan, but that's just for now. Like I already told you, he's not there with her emotionally. No. Nada. At saka matanong ko lang, ha, naalala ko kasi iyong sinabi mo na hindi ginagawa sa iyo ni Cielo noon na itakas si Sara sa suluk-sulukan ng campus niyo. Sigurado ka ba roon? Huh. Huwag mo nang sagutin. Natawid na, eh. No balik-bayan keme.”
Kaye is Sara's best friend but she studies from another school while Sara is my schoolmate. And Helen's from another school, too. Palaging dumadalaw lang iyon.
Right. (I still love you, Helen. Napatunayan ko ngayong gabi. But let's not delve into this. I don't know why I have to put this into an open and close parenthesis.)
Binaling ko ulit ang atensyon kay Kaye. “His name was Khean... He's great at poetry and he have this habit of making me fall in love with just a...”
Umuulan.
“Sometimes he would visit my parents if I can't go during summer vacations... He's so natural at learning everything. Nanalo siya ng ukulele at pinag-aralan niyang tumugtog at nakuha niya agad ang intro at verse ng Skinny Love.”
Ukulele. I’m starting to hate that instrument.
“Positive talaga ako sa relationship namin. Until one day...”
There it goes. The day that defines the permanent end to what you thought was a permanent relationship.
“So, Gabriel consoled me.” Ah, the best friend. Khean's best friend.
“Ayoko mag-take advantage kaya sinabi ko na hanggang friends lang kami. We will always be friends. Simula noon hanggang ngayon.”
Diyan naman lagi nagsisimula. Urur.
“Araw-araw ay kasama ko na si Gabriel. Sa loob ng tatlong buwang pananatili ni Gabriel sa tabi ko, umamin na siya sa nararamdaman niya. Hindi naman iyon 'yong first time na nag-confess siya. Noong high school kami ay binigay niya sa akin iyong combination ng code sa lock ng locker niya. Nasa isang kahon lahat ng sulat na hindi niya maibigay sa akin, sulat na naghahayag ng pag-ibig niya. This time, sinagot ko na siya.”
Pagak na tumawa si Kaye.
Kalokohan.
“Nakipagkalas ako nang hindi ko na masikmura ang ginagawa ko sa kanya. Mahal niya ako. Pero niloloko ko lang siya. Rebound. Umiyak na naman siya dahil sa akin. Alam kong mali. May past na rin kami noon ni Khean. Ako naman nag-confess sa kanya noon. Pero s**t happens, hindi ako ang gusto niya. Or mahal. High school pa lang naman noon, eh. Pero sigurado ako sa naramdaman ko sa kanya noon. Sa huli, iniwan niya pa rin ako. Ako naman ang nang-iwan kay Gab.”
Nakatingin ako sa may bintana. Tumatagos ang tingin ko sa ulan hanggang sa madilim na kalye. Wala sa mga ito ang isip ko.
May pula siyang buhok.
“They stopped talking to me. I am a fool and I will always be when it comes to Khean. I want Gabriel to forgive me because I couldn't forgive myself.”
The red-haired girl also has a smile that slays men. I am glad I have touched that girl, and for that I am forever grateful.
“Alam mo, Edgar, kung papipiliin ulit ako. Si Khean lang ang pipiliin ko. Siya at siya pa rin. Kahit ilang libong beses niya akong iwan. Maghihintay lang ako at babalik siya.”
“Isang beses ka lang naman niyang binalikan at habang buhay ka na niyang iniwan,” sabi ko.
Napabaling sa akin si Kaye. “Tangina ka, ah. Masakit 'yon. Ano bang akala mo sa akin, hindi tao?” tungayaw nito.
“I'm just telling the truth. You should accept it. Ako tanggap ko na hindi na niya ako babalikan pero alam kong hindi agad maglalaho itong nararamdaman ko sa kanya. Part of the process lang. Huwag mo nang bulagin ang sarili mo. Huwag mong isiping may iba pang pagkakataon para bumalik sila dahil nagtapos na kayo. Walang babalikang tao kung nawala na lahat ng pagmamahal. Kaya nga tayo nandito ngayon, nakakulong, sa ilalim ng ulan, dahil sa pagmamahal ni Cielo. Kung hindi niya piniling dalhin sa ibang lugar si Sara, malamang humihilik na ako ngayon.”
Ilang segundo bago sumagot si Kaye. “Pero animal ka pa rin. Hindi ko makakalimutan iyong sinabi mo.”
Ngumisi ako. “Matuto ka rin kasing lumimot. Hindi ka na nga nila naaalala, eh.”
Naiinis na sumigaw si Kaye, tapos ay sumandal ito at huminga ng malalim. “Ikaw naman ang magkwento,” anito.
Napabuntong-hininga ako. “Minsan nagsasawa rin akong pag-usapan siya. At isa iyon sa mga oras na ito.”
Siya namang pagbuntung-hininga ni Kaye.
“Huwag ka nang mag-alala,” sabi ko. “Kanina ko pa t-in-ext iyong kapatid ko at nagpapasundo ako.” Tumango lang ito. Wala nang umimik sa amin. Bigla ay naisipan kong ibahagi ang gabing ito sa journal. Bakit hindi? Kahit na kada Lunes lang ang bilin ni Marcus. Inilabas ko ang litrato ni Helen mula sa wallet ko at gano'n din ang ginawa ni Kaye. Naisipan kong ipagdikit ang mga larawan at kuhanan ito ng litrato. “Bakit kailangang picture-an?” tanong nito.
Nagkibit-balikat ako. “Humanities.”
“Para saan naman?”
“Ilang tao raw ba ang laging may dala ng picture ng ex nila.”
“Ulul.”
Busina. Sundo. Hatid. Paalam. Hanggang sa muli. Iyan ang naging eksena namin ni Kaye nang sunduin kami ni Evan gamit ang kotse ni Papa.
“Sino 'yon?” tanong ni Evan nang nasa daan na ulit kami pabalik. “At saka paano iyong kotse niya? Babalikan na lang mamayang umaga?”
“Oo, babalikan na lang daw niya. Pa-gas na rin muna. Si Kaye iyon, kaibigan ni Sara.”
Napangiti si Evan sa narinig. “How's Sara, by the way?” he asked. He liked Sara then and now. He thought of her as an older sister and the best girl to be my girlfriend.
“Still the same,” simpleng sagot ko.
“At pinopormahan mo ba ang Kaye na ito?” he then asked.
“No, may tatawirin pang tulay, bundok, sapa, at isang fox si Kaye. Mag-a-a la Dora the Explorer muna siya.”
“What?” naguguluhang tanong nito. Pinagkibit ko na lang ng balikat. “But you are not interested in her?” patuloy nito.
“All girls are interesting, I am just not up for it.” I answered.
Umiling si Evan. “Nah, you are not interested,” anito. “Anyway, you want to grab some food before heading home? I'm starving! Naiwan kasi ako sa bahay kaya sa akin lahat ang bagsak ng trabaho. Isa pa ito sa mga gabing tinatamad maghanda ng luto sina Mama.”
Binalingan ko siya. “Umalis sila?”
“Hindi,” anito. “Naiwan as in walang katuwang sa pagmamantinar sa bahay. Saan mo gusto kumain?”
“Don't bother yourself about me. Busog ako. Ikaw, kung saan mo gusto,” sabi ko. Sa katunayan ay inaantok na ako sa oras na ito pero dahil sinundo ako ni Evan, I must return the favor. Pumuwesto kami sa labas ng restaurant na napili ni Evan kung saan mahangin at walang masyadong tao. Hindi na kami masyadong nag-usap at tinapos agad ni Evan ang pagkain nito. Nagpahinga lang ito saglit at saka bumalik ulit sa daan upang makauwi na.
Sa pag-uwi namin ay gising pa sila Mama at Papa na nanonood ng pelikula. Binati ko sila at umakyat na sa kwarto ko. Tiningnan ko ang cell phone ko at nakitang nag-text si Kaye ng pasasalamat. Saktong tumunog iyon habang hawak ko pa at binasa ang pinadalang mensahe ni Cielo.
Hinatid ko si Sara sa kanila. Papasok ka?
Nag-reply ako ng: Tingnan natin. Pumasok ka bukas, at ako naman ang maglalaho na parang bula. Hindi na ako nakatanggap ng text mula kay Cielo. Si Kaye naman ang ni-reply-an ko at pinaalam kong hinatid ni Cielo si Sara sa kanila. Hindi ko na hinintay na mag-reply si Kaye kaya tinabi ko na ang phone ko. Humilata na ako sa kama at ipinikit ang mga mata. Sinusubukan kong makakuha ng tulog nang kumatok si Evan sa pinto.
“Tulog,” sabi ko at umiba ng posisyon sa kama.
Sumilip si Evan sa pinto. “May bago akong napag-aralang kanta, Kuya,” anito. At nakita kong hawak nito ang ukulele nito. Palaging ganyan si Evan tuwing may natututunang bagong kanta. Kaso wala na ako sa mood na manatiling gising pa. Nagmamakaawa na ang katawan ko. Hoy, nilunod mo na 'ko sa alak at lumanghap ng usok, pagpahingain mo na ako. Sinilip ko ulit si Evan.
“Bukas na lang,” sabi ko. Nakita kong nadismaya siya. “Iparinig mo na agad kay Helen, sigurado na 'yang timplada mo.” Wala namang makikitang mali 'yon sa 'yo, sa isip-isip ko.
“Hindi mo pa nga naririnig,” anito.
“Inaantok na ako. May pasok pa bukas,” dahilan ko.
“Bukas ng umaga, ha,” hirit pa nito.
Napapiksi na ako. Sumilip ng bahagya iyong feminine side ko sa pagpiksi ko. “Ngayon na, bilisan mo. Ano ba title niyan?” tanong ko.
“La Vie En Rose,” sagot niya.
Humiga na ulit ako sa kama at tinalikuran siya. “Ah, siguradong tiklop na 'yon. Sure win.”
“Ang tokis naman nito, eh,” ani Evan.
Wala talagang pakiramdam 'tong uhugin na 'to. “Pero 'di bagay sa iyo iyang kanta. Matulog ka na. Hanapan kita ng kanta bukas,” sabi ko na lang nang tumigil na si utol.
“Teka, teka,” pigil ko. Kinuha ko ang cell phone ko at inilagay sa camera. “Ngumiti kang hayop ka. Ihahampas ko na iyong bubong sa 'yo, malapit na.”
Ngumiti nga siya bago nagreklamo. “Ano na namang ginawa ko? Siraulo. Ang moody mo ngayon, ah? Red flag?”
“Nananadya ka kasing animal ka. O, sige na, salamat pala at matutulog na 'ko.”
“Gandahan mo iyong kantang ibibigay mo,” paalala pa nito.
“Tatagain na kita,” sabi ko. “Ng bubong pa rin.”
“Oy, ssshhht!” sawata ni Mama nang mapadaan ito. Ang weird ng dating sa akin ng tunog na ginagawa ni Mama. Parang 's**t' na ewan. Gano'n lagi 'yon kapag pinatitigil kami.
“Ma, anong s**t? Goodnight na po,” ani Evan at umalis na ito.
“Ma, pagsabihan mo 'yang anak mo. Napakamanhid,” sabi ko.
“Pero, anak, gusto ko rin si Helen para sa kanya,” sabi nito at parang ito pa ang inaapi. Gets niya agad. A mother knows. Always.
“Halata nga,” puna ko.
“Magdi-dinner tayo bukas kasama siya—"
“Good night, Ma,” putol ko. “Walang dinner na magaganap kasama siya. Good night,” sabi ko uli.
Tumunog ang phone ko. Nag-text si Kaye. Alam ni Brad. Umiiyak si Sara ngayon.
Hahaha. O, ayan. Pinaiyak na. Two gives daw kasi.
Kaye: Kups!
I was born with that name.
Kaye: Ano number ng kapatid mo?
Magtigil ka.
Kaye: Hahahaha! Joke lang, eh.
Inaantok na 'ko, Kaye. Next time na lang ulit.
Kaye: Ako rin. Good night.
Good morning na.
Kaye: Where's the good in good morning kung ikaw ang ka-text?
'Wag ka nang mag-reply!
Kaye: Wow, pogi ng mukha.
Thanks.
Ed (hindi ko na pinahaba ang sinulat ko, masyadong madaldal si Kaye at inumaga na kami at tuluyan nang hindi ito nakapasok.)