JUNE 3O - cont.
BUMALIK NA AKO SA LOOB ng pamantasan nang hindi nakapag-lunch. Nawala na iyong gutom ko. Dito sa subject na ito ay kaklase ko ang kaibigan kong si Cielo, iyong may s*x vid ng prof ng nagpauso ng journal na 'to. Kinuwento ko lahat ng napag-usapan naming tatlo.
Habang nagkukwento ako ay nagda-drawing si Cielo sa journal nito. “Kupal ka kasi. In the first place, bakit mo nilapitan si Evan? Lalung-lalo na si Helen. Sabi mo hindi ka martyr. Anong klaseng definition ba ang gusto mo. Kung pasakit lang din naman kasi ang pag-uusapan, disimulado mo na ring sinasaktan ang sarili mo sa paglapit-lapit at pagkausap sa kanila. Sabi ko kasi sa iyo, mag-rent ka na lang ng condo. Diyan sa building namin ni Domingez.”
“Narinig mo naman iyong sinabi ni Helen. Gusto niyang magkaayos kami ni Evan.”
Dahan-dahan akong binalingan ni Cielo. “Pakikinggan mo iyong labahita na iyon?” asik nito.
Napakamot ako sa ulo. “Sabi ko nga huwag na akong tanga at kupal,” kabig ko.
Dumating na si Prof. Marcus at apelyido ko ang unang tinawag upang kunin ang journal sa mesa nito. Agad kong binuklat ang pahina ng pinagsulatan ko last week. “Singko?” wika ko.
Hinampas ako ni Marcus sa braso. “Ako pa gagawin mong inutil. Kabilang ka sa mga estudyanteng may video sa cell phones nila,” anito. Itinaboy niya ako. Nang hindi ako tuminag ay bumuntong-hininga ito. “Marami akong nabasang journal na kabilang ka sa mga estudyanteng may kopya niyon. Sa inyo na iyang video ko, pero hayaan niyo akong isingko kayo hanggang finals.”
“Teka, puta—”
“Umiyak ka dyan sa journal mo. Ibahagi mo kung paano ka nilampaso ng kapatid mo at kung paanong sure five ka sa subject na 'to.”
Pukingina, di pa 'ko tapos sa 'yo, Marcus.
Nakita pala ni Cielo na isinulat ko ang mga apelyido nila rito noong unang araw ng pasukan. Bilang ganti ay sinabihan nito ang mga kaklase namin na ilathalang isa ako sa mga may kopya ng video ni Marcus. Walang kaso kung binenta ako ni Cielo dahil kahit kailan ay hindi ko ninais makapanood ng ganoong video lalo na't bata ang tinitira ni Marcus. At ang magkaroon ng ganoong file sa cell phone ko ay malayo sa isip ko. Hindi sa hindi ako nanonood pero nangangalikot minsan si Mama ng phone. Isa pa, nasa Internet na ang lahat kaya walang dahilan para mag-download ako niyon.
Sige na nga, Marcus. Panalo ka this time. Isingko mo ako, at mararanasan mo ang bagsik ko. Kabilang ako sa club ng grupong hindi ko babanggitin ang pangalan. Hanggang ngayon ay hindi mawari ng mga putanginang propresor na ito ang pangalan ng club na iyon. Discrete kasi kami. Ewan ko ba sa iyo, masyado ka naman kasing nagpapahalata. Hindi ito ang unang kaso mo. Aba, Arts and Sciences ka pa naman. Tapos ang pagtangkilik pala sa adult film at p*********y ang layunin mong ipalaganap? Naka-recover ka sa dagok ng unang tirada na sanhi ng kakatihan mo sa katawan. Iyon ay nang makuhanan kayo ng litrato ng propesorang hindi ko na babanggitin ang pangalan sa kadahilanang wala naman na siya rito sa pamantasan. Ang nilalaman ng litratong iyon ay, no brainer, gyrating professors with their flesh and bones.
Pangalawang punto, nanahimik ang College of Engineering sa sirkulasyon ng video mo. Dahil na rin sa kahilingan ng dean ng departamentong nabanggit at nang hindi masangkot sa nakadidiri mong pangalan. Ibinibida ng video na ito ang nag-iisang Marcus na ka-siping ang isang menor de edad. Maraming mayor de edad at kaedaran ang maari mong dinala sa kama. Pero namili ka ng bata. Labag sa batas natin iyan, kaya hindi ko ginusto na masilayan iyang punyetang video na iyan. Hindi ko alam kung paano ito kumalat. At hindi ko rin alam kung bakit nananatili ka pa rin sa pamantasan na ito. Kung moralidad at respeto lang naman ang pag-uusapan, walang-wala ka na niyon. Lahat kami ay hindi ka na nirerespeto at mukhang wala kang pakialam doon. Lalake kang itinuring pero mas may bayag pa ang bakla sa iyo.
Humingi ng rekonsiderasyon si Cielo kay Marcus upang bawiin pa ang singko na binigay nito sa iilan sa mga kaklase nito, kabilang ang sarili. Ngunit nanatiling pinal ang desisyon ni Marcus. Sabi pa ng uhuging propresor ay inakala siguro naming hindi nito babasahin ang journal namin.
Nakipagtalo si Cielo. “Singko na pala, eh, 'di huwag na lang namin pasukan 'tong Humanities. Lokohan na lang, eh.” Sa gulat naming lahat ay binalibag nito ang journal nito. Matiim na tinitigan ni Marcus ang journal. Mayamaya ay sumandal ito. Mukhang na-relax sa naisip. Napakamot na ako sa ulo dahil mukhang may naisip na naman si kupal.
“O, 'di sige, Cielo. Kahit huwag ka nang magpakita pa sa akin. Basta kunin mo lang ang final exam at ipresenta mo ang journal mo na kumpleto kada-Lunes ng bawat linggo hanggang sa magtapos ang sem na ito. Kakailanganin ko rin ng sapat na ebidensya na nangyari nga ang araw na iyon sa tulong ng larawan. Simpleng bagay na lang iyan. Hindi ko na nire-require na kunin ang Midterm at Prelims exam niyo. Finals lang at journal plus photos. That goes with the rest of you, guys.”
Tiningnan naming lahat si Cielo. “Ba't kayo nakatingin sa akin? Kasali kayo rito, nood pa kasi!” anito. Binalingan niya ako. “Ano, Rojosol?” sabi pa sa akin ni Cielo na tila nangungutya.
Tinapik-tapik ko siya. “Chicken, pare,” sabi ko.
Hinarap ni Cielo si Marcus. “Sige, sir. Deal. Kitakits na lang sa finals,” anito at saka lumabas ng classroom. Sumunod ako.
“Alam mo, nama-mindfuck talaga ako sa apelyido mo. Hindi ko alam pero parang brand name ng panglinis ng mga muwebles o banyo,” wika ni Cielo.
Humagalpak ako ng tawa. “Lysol, pare, lysol,” sabi ko na umiiling-iling pa.
Napapitik ito sa ere. “Iyon nga.”
Nilabas ko ang cell phone ko. “Ibibida kita sa isusulat ko. Ngiting pang-manyak, Cielo,” sabi ko sabay click ng camera. Hindi kami handa ni Cielo kaya ang kinalabasan ay mukha kaming kagagaling lang sa inom na nakatagpo ng low quality na camera at naisipang kuhanan ang mga sarili sabay ngiwi na parang nakasinghot ng Vaporub. Nagmukha pa kaming mga Intsik na naka-high, ampota.
“Taena, hindi kaya magkasakit si Marcus at the end of semester sa mga litrato natin?” ani Cielo.
“Tapos ang caption pa nito ay ang araw na simula ng hindi natin pagpasok sa Humanities.”
“Mali,” si Cielo sabay suri sa larawan namin. “Ang araw na makikitang naglabasan halos lahat ng mga lalake sa asignatura ni Marcus. Kung ganito kada semestre, makabubuo na ng thesis iyong mag-i-statistics ng rate ng nanonood ng p**n sa school na 'to.”
Kinuha ko na ang phone ko. Siya namang pagsiko sa akin ni Cielo. Nginuso nito si Evan. Binatukan ko nga.
“Napalakas ka ng siko, p’re, ah. Natural lang na magkita kayo ni Evan dito,” daing nito.
“Ows?” wika ko.
Hinawakan na ni Cielo ang ulo ko sa itaas (para maliwanag lang. Uy, turn on si Marcus) at iniharap sa direksyon ni Evan. Doon ko nakita ang nag-iisang babaeng may pulang buhok. Kinuha ni Cielo ang cell phone ko at kinuhanan sila ng litrato.
“Iyan na lang ang ilagay mo kesa iyong picture natin kanina na mukhang mga bading,” sabi nito sabay balik ng cell phone ko. Hindi ko na pinansin iyong dalawa sa lobby at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglabas ng building.
“Minsan mararamdaman mo na lang iyong kakaibang damdaming iyon,” simula ni Cielo. Hindi ako umimik. “Mapapa-My Chemical Romance ka na lang, eh,” kabig nito. Sumipol pa ito.
Sakto namang may nakita akong mala-anghel na mukha. “O kaya naman,” simula ko. “Sara, Sara!” kanta ko. Humarap ang mala-anghel na dalaga na si Sara. Ngumiti ito nang makita at marinig ako. “Storms are brewin' in your eyes.” Nilingon ko si Cielo. Balisa ito at tahimik. “Sara! Sara! No time is a good time for goodbyes.” Nilapitan ko na si Sara at ginawaran ng mabilis na yakap.
“Ngayon na lang ulit kita nakasalubong, Ed,” ani Sara.
Sa katunayan niyan ay may malamyos siyang boses. Hindi nakapagtatakang na-in love si Cielo dito nang mga panahong kami pa ni Sara. “Labas tayo minsan,” anyaya ko.
“Oo ba!” sang-ayon nito saka binalingan ang tulala kong kaibigan. “Kumusta na, Al?” bati nito.
Nagulat si Cielo at napausal pa ito ng 'Hala'. “Ano, ayos naman. Ikaw? Hindi na kumupas ang kagandahan mo, just saying.”
Anak ng. The moves ni Cielo! Hindi na rin ako magtataka kung bakit nakipag-break si Sara sa akin noon. Kakaiba kasi kung mang-silo ng babae si Cielo. Nag-blush si Sara sa narinig. “Thank you, Cielo. Aasahan kita sa hangout natin. Tatawagan ko na lang si Ed. At Cielo, hindi ka pa rin nagbabago. Marunong ka pa rin magpakilig ng babaeng... taken.”
Napamulagat ako kasabay ng tawanan nila ni Sara at Cielo. Marunong nang mag-joke si Sara! Pero, puta, nagulat talaga ako roon at nahiwagaan ako kung paanong nagawa pang tumawa ni Cielo. Nakaalis na si Sara at katulad ng inaasahan ko, nayamot si Cielo.
“Sakit no'n, brad. Taken na naman pala.”
“Okay ka lang? Kung alam ko lang ay sinabi ko na,” tanong ko. Tumango lang ito. Nilibre ko na lang si Cielo ng BFF fries dahil ganoon ako ka-clingy. At saka alam ko ang pakiramdam ng bigo.
“McFlurry nga, bes," hiling ni Cielo.
Muntik ko nang maibuga iyong iniinom ko nang marinig ko ang tawag niya. “Bes?” angil ko.
“It makes perfect sense kasi. Parang kapag bigo ka, kaibigan mo ang lahat. Lahat ay karamay mo sa kabiguan. Mapapa-all right ka na lang dahil mabait silang lahat. Parang tuwing tag-ulan lang iyan, eh. Gugustuhin mong matulog dahil may kakaibang pakiramdam na iniaalok ang ulan kaysa tuwing maaraw at pawisan ka at gahibla na lang ang pasensya mo sa naka-number three na electric fan niyo.”
“All right,” sabi ko na lang.
Nakatatlong picture ako sa araw na ito. Iyong pangatlo ay si kups na hawak ang McFlurry niya habang ngumunguya ng fries.
Next week? Next week,
Ed
PS: Hindi nagdamot ang sinalihan kong grupo sa pagkalat ng litrato mo (unang kaso mo). Sisiguraduhin ko na sa pagtatapos ng semestreng ito, tapos na rin ang taon mo sa pamantasang ito.
PPS: Sara by Starship