Agad na binalot ng pangamba at alarma si Mia-Ashly ng makabalik siya sa kanyang bahay ng maulinigan ang pag-ungol ng kasintahan na nasa silid niya. Mabilis na nilundag niya ang balkonahe ng kanyang silid at agad na pinulot ang hinubad na puting nightgown na nasa sahig. Wala pang segundo ay nasa tabi na siya ng binata. Nakapikit ito at maligalig. Pawisan din ito. Binabangungot siya!!! Niyugyog niya ang balikat ng binata pero hindi ito nagising kaya tinapik naman niya ang pisngi nito. "Axel,wake up.." patuloy niya pagtapik sa pisngi nito hanggang sa unti-unti ito nagmulat ng mga mata. "Mia-Ashly.." paos nitong usal. Puno ng pag-aalala na pinalis niya ang pawis sa nuo nito gamit ang likod ng palad niya. "You're dreaming," usal niya habang nakatunghay pa rin sa nakahigang binata. Buma

