bc

THE PRINCESS OF WHITE WOLVES DISTRICT

book_age16+
1.3K
FOLLOW
5.1K
READ
fated
confident
Girl Power Counterattack
Writing Challenge
bxg
werewolves
another world
like
intro-logo
Blurb

Mia-Ashly Rux-Esferial, ang anak ng isang sa Hari ng mundong-Colai na si Haring Clyde Esferial ng White Wolves District.

Napagkasunduan ng lahat ng mga Hari ng sampung distrito kasama na ang kani-kanila mga Reyna na bigyan ng kalayaan na mamuhay ang kanila mga anak sa mundo ng mga tao. Ayon na rin sa nakasaad sa Propesiya.

Namuhay si Mia-Ashly sa mundo ng mga tao sa kagustuhan ng kan'yang mga magulang at ng propesiya. Nagustuhan naman niya ang buhay roon pero nakasaad sa propesiya na kailangan niyang ihanda ang sarili oras na matagpuan na niya ang kanyang mate o ang lalaking itinakda sa kan'ya.

Nasa mga kamay na rin niya ang pagpapasya kung sa alin sa dalawang mundo ang gugustuhin niya manatili sa piling ng lalaking itinakda sa kanya o mag-isa siyang mamumuhay na hindi kapiling ang kanyang mate.

Gayunpaman, hindi lamang siya ang mag-isang humaharap sa ganoong kapalaran, may iba pang prinsesa bukod sa kan'ya at sa tulong ng dating Diyos ng mundong-Colai na si Zei at ang pamilya nito ay nakaagapay ito sa bawat isa sa kanila na tatahakin nilang buhay at lalo na sa oras na magtagpo na sila ng lalaking itinakda sa kanila.

Sabi ng kan'yang Ama na si Haring Clyde, hindi daw madali ang pagiging isang lobo kung ang itinakda naman sayo ay isang tao.

Magagawa kaya ni Mia-Ashly na harapin ng mag-isa ang nakatadhana sa kan'ya na umibig sa isang mortal?

O mas pipiliin na lamang niya na bumalik sa mundong-Colai at talikuran ang nakasaad sa propesiya?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Nagtipon-tipon ang mga Hari at Reyna sa tore kung saan naroroon ang banal na propesiya at upang pag-usapan ang magiging kapalaran ng kanila prinsesa. Muli nagkaroon ng bagong propesiya kung kaya ang lahat ay handa makiisa sa nakasaad roon. "Nasa mga kamay niya ang magiging kapalaran niya. Buhay man o pag-ibig..."pagsasaad ni Haring Clyde na siyang may hawak ng kulay gintong papel. Tahimik at nagkatinginan ang lahat. Iniintindi ang bawat salita na binigkas ng Hari ng mga Puting Lobo. " Tukoy ito sa ating mga anak,mga mahal kong Hari,ang bawat Prinsesa ng ating distrito.."si Haring Clyde. "Ipapadala din sila sa mundo ng mga tao gaya natin noon?"ang Hari ng mga itim na lobo. "Tama,ganun na nga,mga mahal kong Hari at Reyna.."pagtango ni Haring Clyde. " Pero hindi kapareho na nakasaad noon sa atin..ang nakasaad ngayon ay ang mismo mga prinsesa ang magdidesisyon ng magiging kapalaran nila,minsan talaga ang unfair ng buhay,"komento ng Hari ng mga kahel na lobo. "Gusto ko ngayon ang nakasaad sa propesiya,hindi siya ganun kapressure..tayo kasi nakasalalay sa ating mga Reyna ang kapalaran natin," anang ng Hari ng mga brown na lobo sabay sulyap sa Reyna nito. "Sang-ayon ako sa sinabi mo,Mahal na Hari,"sang-ayon ng Hari ng mga pulang lobo. "Sa tingin ko hindi ganun kadali ang magiging kapalaran nila sa mundo ng mga tao..tsk,iniisip ko pa lang na itatakda ang aking prinsesa sa isang lalaki na walang paninindigan nagdidilim na ang paningin ko,hindi ko gusto ang nakasaad ngayon sa propesiya,ilalayo sa atin ang ating mga anak,"saad ng Hari ng mga dilaw na lobo. "Tama,hindi rin ako papayag na api-apihin din ng lalaking itatakda sa aking prinsesa,talagang magkakamatayan kami ng lalaking yun!"ang Hari ng mga Abong lobo. "Ako din!"saad ni Haring Dominekk,the king of Violet Wolves District. "Lalo naman ako,di rin ako papayag,"ang hari ng kulay berdeng lobo. " Nauunawaan ko ang mga komento niyo,gaya niyo,hindi rin ako papayag na masaktan ang ating mga prinsesa lalo pa at wala tayo sa tabi nila pero kailangan natin bigyan ng kalayaan ang ating mga anak na mamuhay ng normal at simple sa mundo ng mga tao..gaya ng ating mga kabiyak,ang ating mga Reyna,sinakripisyo nila ang kani-kanila mga buhay sa mundo ng mga tao para sa atin mga lalaking lobo,at ito naman ang panahon para tayo naman ang magsakripisyo para sa atin mga anak na babae at iyun ay ang ipadala sila sa mundo ng mga tao.."mahabang litanya ni Haring Clyde sa lahat ng mga Hari. Saglit na natahimik ang lahat at pagkaraan kanya-kanya pinaunawa ng mga Reyna sa kani-kanila kabiyak na Hari ang nais mangyari ng propesiya. "Si Zei..siya ang magiging mata at tainga natin sa mga nangyayari sa atin mga anak,mga mahal kong Hari..Maaari tayong lumapit at makiusap sa kanya.." pagsasabi niya sa mga ito. Tahimik na nagtapos ang kanilang usapin at sinimulan ng ihanda ang kani-kanila prinsesa sa nalalapit na pamumuhay ng mga ito sa mundo ng mga tao.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

YOU'RE MINE

read
894.0K
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.4K
bc

SILENCE

read
381.6K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
89.5K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.1K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
199.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook