20 years ago..
Isang mahiyain ngiti ang pinukol ni Prinsesa Mia-Ashly sa dating Panginoon ng mga lobo na si Zei.
Kasulukuyan siya nasa munting tirahan nito na siyang sumalubong sa kanya sa labas ng kweba mula sa mundong-Colai.
"Nagagalak ako na makita kang muli,mahal na prinsesa," anito.
"Sayang wala ang aking mag-iina para makilala ka nila,nasa bakasyon kasi sila ngayon.." nakangiti nito turan sa kanya.
"Ganun din po ako," aniya.
"Sigurado ako na magugustuhan mo dito sa mundo ng mga tao,mahal na prinsesa,"anito na kinangiti niya.
May inabot itong parisukat na kulay puting kahon.
"Nandyan ang lahat ng kailangan mo para mabuhay dito sa mundo ng mga tao.." anito sa hawak niyang kahon.
"Salamat po,"aniya.
Hinaplos nito ang ibabaw ng kanyang ulo. "Wala ka dapat ikabahala habang nandito ka sa mundo ng mga tao..ienjoy mo lang ang papanatili mo dito."
"Ahm,pwede po ba akong magtanong?"
"Sige lang,Mahal na Prinsesa.."
"Ang sabi ni Amang Hari,kaya nandito ako sa mundo ng mga tao ay dahil sa lalaking itinakda sakin,sabi po niya itanong ko raw po sa inyo kung paano ko malalaman na siya nga ang mate ko?"
Ngumiti ito sa kanya na lalo nagpaaliwalas sa napakagwapo nitong mukha.
"Ang puso mo..siya lamang ang makakaalam kung siya nga ang lalaki para sayo,titibok yan na hindi normal sa t***k ng puso mo,alam mo yun,yung doble-doble ang t***k kaysa sa normal na pagtibok ng puso natin?" anito.
Tumango siya sa sinabi nito. Ang pagkakaalam niya na ayon sa kanya amang Hari nalaman nito mate nito ang inang Reyna niya dahil sa physical na contact at eye contact naman sa ibang hari.
"Ganun po pala,sige po,salamat po.." aniya.
"Magandang umaga,mahal na Prinsesa!" pagsulpot ng isang magandang babae.
"Valerie,anak.." baling rito ni Zei.
"Wow,ang ganda pala ng Prinsesa ng mga puting lobo," anito.
Nahihiyang ngumiti siya rito.
"Ikaw na bahala sa kanya,anak,aasikasuhin ko pa ang iba pang Prinsesa na darating.." anang ni Zei.
"Opo,ama.." anito.
Kasulukuyan..
Tahimik na pinagmamasdan ni Mia-Ashly ang buong paligid mula sa kinatatayuan niya sa likod ng wallglass na gawa sa makapal na salamin. Heavy tinted iyun at sa loob lamang makikita kung ano ang nasa labas ng salamin.
Nasa pribadong opisina siya kung saan sa pinakadulo ng unibersidad na pag-aari niya nakatayo iyun. Wala siya pinahihintulutan na may makalapit sa opisina niya. Wala siya pinapayagan,iyun ang numerong uno patakaran niya sa teritoryo niya. Bilang may-ari ng Esferial University wala na kahit sino pa ang nakakakilala sa kanya. Wala na kahit sino.
"Good morning!"
Agad na nilingon niya ang bumating iyun.
" Valerie.." tugon niya rito.
"May papipirmahan sana ako? Okay lang ba,mahal na prinsesa?" anito na pinakita pa sa kanya ang hawak nitong mga papel.
"Sige,pasok ka," nakangiti niyang tugon.
Si Valerie ang siya nagmominitor sa labas ng opisina niya. Nakakatuwa isipin na hindi siya pinababayaan ng pamilyang ng dating Panginoon ng mga lobo na si Zei.