TWO

506 Words
"Congrats,Mr.Shuck,you are hired now," pagbati sa kanya ni Ms.Rostov. Inabot niya ang kamay nito na nakalahad sa kanya. "Maraming salamat,Ma'am..alam kong hindi naging maganda ang huling records ko pero tinanggap niyo pa rin ako," aniya na labis niya kinatutuwa. "Lahat tayo deserve ng 2nd chance saka isa pa may mga istudyante talagang mapusok kaya tayo minsan ang nalalagay sa alanganin," friendly nitong saad. Magandang babae ito kahit sinong lalaki magugustuhan ito pero sa dating ng aura nito parang ang taas-taas nito. "Saka kulang talaga kami sa guro ngayon eh,kaya tamang-tama nag-apply ka dito saka qualified ka naman not mention to what happen sa last record mo," anito. "Maraming salamat,Ms.Rostov," aniya. Binigyan talaga siya nito ng bagong pag-asa na makapagsimula muli. Lihim siya napabuntong-hininga. Kung hindi lamang sa eskandalo na nakasangkutan niya sa huling eskwelahan na pinagtrabuhan niya hindi sana siya mawawalan ng pag-asa na makapagturo pa pero nalaman niya ang Esferial University. Malayo man ito sa siyudad masasabi niyang isa ang unibersidad na ito na pinakamahusay dahil sa mga istudyante na gumagradweyt dito na may magandang records. "Sana magustuhan mo dito sa pananatili mo dito,ang layo pa naman nito sa siyudad," anito sa palakaibigan na turan. Napangiti siya. Mukhang magkakasundo sila ng Dean na ito. "Oo naman..isang malaking opportunity at pagkakataon itong binigay niyo sakin,Ma'am." matapat niyang saad. "Well,gusto ko lang mainspired ang mga students namin dito sa oras na may gwapong bagong guro na sila ngayon," pagbibiro nito sa kanya. Bahagya siya natawa sa sinabi nito. "Salamat,hindi kayo magsisisi sa pagtanggap niyo sakin," aniya. "Hindi naman kasi mapili si Ms.Esferial kung sino ang gusto magtrabaho dito kaya agad na inaprobahan niya ang application mo," anito. "Paano ko kaya siya mapapasalamatan,Ma'am?" aniya. Alam niya ang tungkol sa may-ari ng unibersidad base sa pagkukwento sa kanya ng mga tagarito sa lugar na ito. Mapribado daw ang buhay nito kaya wala sino man ang nakakakilala pa rito. "Ahm,isang bagay lang na pwede mo isukli sa kanya,Mr.Shuck,"pagseseryoso nito bigla. " Ang huwag lumapit sa kinaroroonan ng private office niya,siguro naman nabasa mo ang rules ng unibersidad?" Agad na tumango sya. "Hindi ko lalabagin yun ngayon binigyan niya ako ng pagkakataon na makapagturo muli," matapat niyang saad. May ngiti na muli sa maganda mukha nito. "So,see you on monday?" anito. "Yes,ma'am..maraming salamat ulit,"nakangiti niyang tugon rito. Isang matagumpay na ngiti ang muli gumuhit sa mga labi niya na ngayon ay makakapagturo siyang muli makalipas ang isang taon na pamamahinga niya. Bumuga siya ng hininga. " Sino makakapagsabi ngayon na hindi na ko makakabawi ulit sa buhay ko ngayon,"usal niya sa sarili. Dahil sa eskandalo iyun nasira ang imahe niya bilang isang guro sa Maynila. Sinira ng dating istudyante niya ang reputasyon niya bilang isang guro na wala nais kundi ang makapagturo sa mga tulad nito na nangangailangan ng edukasyon. Marahas siyang bumuga ng hangin. Kinalimutan na niya ang mapait na nakaraan niyang iyun. Malayo na siya sa mga tao na humusga sa kanya. "Namiss ko ang Sir Axel Jax na tawag nila sakin," usal niya muli sa sarili. Nilingon niya ang kabuoan ng unibersidad. Malawak at malalaki ang gusali. Talagang ginastusan pero ang nakakabilib doon may ibang kurso na libre lang. Nakakamangha. Sana isang araw makilala niya ang may-ari ng Esferial University.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD