THREE

527 Words
Tatlong buwan na mula ng magturo siya sa Esferial University. Mabilis siyang nakapag-adjust sa paligid. Hindi siya laking probinsiya pero dahil sa tulong ng mga kapwa guro niya mabilis lang niya natutunan ang pamumuhay rito. Walang pagsisisi na dito siya nagpasyang mamuhay ng panibagong buhay at sa pagtanggap sa kanya ng unibersidad na ito wala ng mapaglagyan ang tuwa niya. Akala niya wala ng pag-asa pa na makapagturo siya dahil sa iskandalo na kinasangkutan niya sa huling ekswelahan na pinagtuturuan niya pero hindi siya hinusgahan ng may-ari ng unibersidad. Tinanggap siya nito ng patas at ng wala panghuhusga. Kaya naman nagnanais siya na makilala ito ng personal at makapagsalamat. Ngunit alam niya ng walang posibilidad dahil sa pagiging mailap at mapribado nitong personalidad. Siguro balang-araw mangyari yun,maghihintay siya. Kasuluyan siya nag-iikot sa buong unibersidad,gawain niya iyun kapag oras na ng klase at habang libre siya nag-iikot siya para manita ng istudyante na sa tingin niya ay hindi pumapasok at nakatambay lang kung saan-saan. Inayos niya ang suot na salamin sa mata. Hindi naman malabo ang mata niya pero nagsusuot lang siya niyun upang makabawas man lang iyun sa atensyon ng mga isyudyante niyang babae. Pinagmukha niyang istrikto ang kanyang dating para sa ganun hindi na maulit pa ang nangyari noon. Nainlove sa kanya ang isa sa istudyante niya at doon siya napahamak at nilubog sa kahihiyan ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ayaw na niya iyung maulit pa kaya naman mula ngayon hindi na siya friendly sa mga istudyanteng babae niya. Isang pagkakamali sa kanya na naging affectionate siya sa mga babae na mas bata sa kanya dahil sa kagustuhan niya makaranas ng isang nakababatang kapatid na babae. Punanaw ang nakababatang kapatid niyang babae dahil sa sakit na leukemia. Mahal na mahal niya ito gayun nga lang maaga ito kinuha sa kanya na noon ay highschool pa lamang siya. Paliko na siya para sumilip sa likod ng gusali ng biglang nay tatlong lalaking istudyante ang humahangos na tila ba hinahabol ito ng kung ano. "Saan kayo galing tatlo?" istrikto sita niya sa mga ito. Pawisan at humihingal na lumapit sa kanya ang mga ito. "Sir!!"sabay-sabay na bigkas ng mga ito. "Anong nangyayari sa inyo? Bakit maputla kayong tatlo? Hindi ba may klase kayo ngayon?"istrikto pa rin niyang turan sa mga ito. "S-sir..m-may nakita k-kaming w-white lady dun sa dulo!"nanghihilakbot na turan ng isang lalaking istudyante na namumutla pa rin. Nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig. "Sino nagsabi sa inyo na pumunta kayo dun?"pagalit niyang sita sa mga ito. Hindi nakakibo ang mga ito bagkus yumuko lang. "Bumalik na kayo sa room niyo,ngayon din!"matiim niyang utos sa mga ito at mabilis naman tumalima sa utos niya. Sinulyapan niya ang dulong bahagi na kinaroroonan ng private office ng may-ari ng eskwelahan na ito. White lady? " Mga kalokohan ng mga kabataan ngayon,"usal niya na sinabayan niya ng pag-iling. Muli niya sinulyapan ang nakasaradong opisinang iyun. Weird nga sa pakiramdam kapag malapit lang siya roon. Pakiramdam nga niya kapag nadadaan siya rito tila ba lagi may mata na nakasunod sa kanya. Axel Jax,hindi ka na bata para mag-astang bata din na tinatakot ang sarili..sita ng kanyang isip. Marahas siyang bumuga ng hangin at pumihit na para sundan ang tatlong istudyante kung sumunod nga ang mga ito sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD