Nagpakawala ng mahabang hininga si Mia-Ashly ng mawala na sa paningin niya ang lalaki na nakatanaw sa opisina niya.
Nakaharap siya sa wall glass niya at nakita niya ang tatlong lalaking istudyante na nakakita sa kanya na hindi naman niya agad napansin. Sa palagay niya ang lalaking matangkad na iyun ay ang bagong guro na tinanggap niya.
Tinungo niya ang kanyang desk at dinampot ang isang papel kung saan nakaattach roon ang litrato ng lalaki.
Axel Jax Shuck.
Nang makita niya agad ang litrato nito bigla na lamang sumulpot sa isip niya ang sinabi ng dating panginoon na si Zei.
"Ang puso mo..siya lamang ang makakaalam kung siya nga ang lalaki para sayo,titibok yan na hindi normal sa t***k ng puso mo,alam mo yun,yung doble-doble ang t***k kaysa sa normal na pagtibok ng puso natin.."
Awtomatiko na dumantay ang isa niyang palad sa tapat ng kanyang puso.
Nakakamangha na totoo ang sinabi ng dating panginoon. Napakabilis ng pagtibok ng kanyang puso habang nakatitig sa larawan ng lalaki.
Siya ang mate natin? Bigla pag-alingawngaw ng kanyang inner wolf.
Bumuntong-hininga siya at umupo sa likod ng desk niya.
"Hindi ko pa alam.." matapat niyang tugon sa kanyang inner wolf.
Hmm,pero totoo ang sinabi ng dating panginoon..nangyari nga ang sinabi niya,ang sintomas!
Pinakatitigan niya muli ang larawan.
Napakagwapo ng lalaki. Noon ang kanyang amang Hari lamang ang tinuturing niyang pinakagwapong lalaki na nakita niya pero mukhang may aagaw sa pananaw niyang iyun.
May isang Axel Jax ang nakakuha ng kanyang atensyon. Ang angkin kagwapuhan nito na nagpatibok sa kanyang puso ng ubod ng bilis.
Pero tandaan mo ang paalala ng iyong amang Hari..huwag lamang tayo titingin sa panlabas na anyo kundi pati sa panloob nito bago ka makipaglapit sa lalaki na iibigin mo..anang ng inner wolf niya.
Alam niya iyun. Hindi niya inaalis sa kanyang isip ang paalala iyun ng kanyang ama. Nangangamba ito sa lalaki na iibigin niya dahil naging komplikado daw ang nakasaad sa propesiya.
Nasa kamay daw niya ang magiging kapalaran niya. Siya ang pipili sa buhay na tatahakin niya. Kasama man niya ang lalaking iibigin niya o hindi.
Ang lalaking itatakda sa kanya ng tadhana.
Makikilala lamang nila ang isa't-isa sa oras na magpakita siya rito. Nasa kanya ang pagpapasya kung lalapit siya rito o hindi.
"Anak,napakalakas ng kapangyarihan ng pag-ibig..ang pag-ibig ko sayong ama ang siyang dahilan kung bakit ko madaling natanggap ang iyong ama at iwanan ang mundo ng mga tao..kaya sa oras na umibig ka na sa lalaking itatakda sayo. Hayaan mo lamang manaig ang puso mo..pero huwag mo lamang kalilimutan na magtira para sa sarili mo,mahal kong prinsesa.."
Ang palaging sinasabi ng kanyang inang Reyna sa kanya.
Muli niyang sinulyapan ang hawak na papel nakasaad roon ang mga records ng lalaki sa mga nagdaan na pagtuturo nito sa loob ng siyam na taon sa maynila.
Nakakuha sa atensyon niya ang huling records nito. Ang force resignation nito sa huling eskwelahan na pinagtrabuhan nito dahil sa isang iskandalo.
Huwag siyang husgahan gayun hindi pa natin alam kung ano ang pinagmulan ng lahat..
Iyun ang sinabi ng kanyang inner wolf habang binabasa niya noon ang records ng lalaking guro na aplikante niya. Inaprobahan niya ang application nito na hinuhusgahan ito.
Tao rin ang kanyang ina at hindi naging maganda ang kapalaran ng kanyang ina sa kamay ng mga tao na tinuring nitong pamilya. Ayaw niya maging malupet sa mga tao na gaya ng nanakit sa kanyang ina. Deserving nila na bigyan ng pagkakataon na maging masaya at mamuhay ng maayos na hindi sinasaktan at hinuhusgahan.
At isa si Axel Jax sa mga iyun.
Napabuntong-hininga siya.
Bigla siyang nangulila sa kanyang ama at ina.
Namimiss ko na rin ang mundong-Colai..anang ng inner wolf niya.