"Good morning,Sir Axel jax," pagbati sa kanya ng co-teacher niya na si Ma'am Nimfa nang makapasok siya sa faculty nila.
"Good morning,Ma'am.." ganti tugon niya rito.
Nasa isang department sila ng magandang guro. Pareho sila nasa English Department at hindi lingid sa kanya ang pagtingin nito sa kanya. Sa tuwina lagi sila natutukso ng ibang mga guro kapag nakikita na magkausap sila at dahil siguro wala naman siya nararamdaman para sa magandang guro pinagkikibit-balikat na lamang niya iyun.
"Siyangapala,nagluto ako ng kare-kare..sana magustuhan mo," anito na nilapag sa desk niya ang isang tupperware.
Bigla siya nakaramdam ng alarma. May trauma na siya sa ganitong pagpaparamdam ng isang babae. Ayaw niya maging bastos sa kapwa guro niya kaya kahit naaalarma siya tinanggap niya iyun.
"Salamat,Ma'am Nimfa,hindi ka na sana nag-abala pa," aniya sa casual na tono.
Matamis ito ngumiti sa kanya.
"Masaya ako na ipagluto kita,sana magustuhan mo," nagniningning ang mga mata nito sa katuwaan na tinanggap niya ang binigay nitong pagkain.
Tumikhim siya. "Ahm,sana wala siyang peanut," aniya sa casual na tono pa rin.
Agad na nagsalubong ang kilay nito.
"Bakit? Ayaw mo ba na may peanut?" anito.
"Allergic ako sa peanut," aniya na sinabayan pa niya ng pagkibit ng balikat.
"Paano yan,may kasama kasi yang peanut eh?" anito sa dismayadong turan.
"Ganun ba,pwede naman paghati-hatian ito ng iba natin kasama dito,ma'am Nimfa," suhestyon niya.
Nawala ang aliwalas sa maganda nitong mukha.
"Ganun ba,sabagay..kung alam ko lang na allergic ka sa peanut sana hindi kare-kare ang niluto ko para sayo," anito sa nadidismayang anyo.
"Salamat sa effort mo,Ma'am Nimfa,pero sa tingin ko ayos lang na huwag mo na ako paglutuan ng pagkain,hindi naman ako ganun kahilig kumain at medyo mapili din kasi ko sa pagkain," deretsahan niyang saad rito.
Hindi nakaimik ang magandang guro. Alam niyang nauunawaan nito ang nais na ipahiwatig niya sa kanyang sinabing iyun.
Naikuyom niya ang mga palad. Ayaw niya manakit ng damdamin ng isang babae pero kung wala naman ito maaasahan mula sa kanya. Bakit pa niya patatagalin pa,hindi ba?
"P-pasensya na..ahm,hindi ko alam," anito na masama ang loob.
Palihim siya bumuga ng hangin. Nakakaguilty pero kailanganin niya maging tapat rito.
"Pero..hindi naman siguro masama kung magiging malapit tayo sa isa't-isa,Sir Axel Jax,lalo na pareho naman tayong single.."anito na kinamaang niyang saglit.
Ngumiti ito sa kanya. "Sisiguruduhin ko na magugustuhin mo din ako..hindi lang bilang katrabaho mo lang," anito na puno ng determinasyon.
Marahas siyang napabuga ng hangin ng iwanan na siya nito.
Napailing na lang siya pagkaraan na matanto na mukhang kailangan niyang umiwas na magmula ngayon rito.