Halos magwala ang inner wolf niya sa sinabi ng binatang guro na si Axel Jax. Kung hindi lang niya kontrolado ang wolf niya baka nagshift na siya dahil sa lakas ng bugso ng damdamin niya na sinabayan pa ng mainit na pakiramdam. Wala siya naging komento roon pero nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan hanggang sa mag-ingay ang phone nito na nakatago sa bulsa ng jacket nito. Agad naman nito iyun pinatay. "Baka importante?" nanantiya niyang tanong. Nagkibit ito ng balikat. "Si Ma'am Nimfa lang," agad nitong sagot. Hay Naku! istorbo siya sa moment natin! Angil ng inner wolf niya. "Gusto ka niya,tama ba?" "Ayokong makasakit ng babae kaso hindi ko alam kung papaano ko siya ihahandle.." anito na tila problema nga rito ang pagkagusto ng isa sa mga guro niya. "Kausapin mo siya at hindi maiiwasan

