Hindi binitiwan ni Axel Jax ang kanya kamay hanggang sa makarating sila sa bahay nito. Yes,they are officially in a relationship now. Inalalayan siya nito makababa ng tricycle na first time niyang sakyan. Nakakatuwa na sumakay roon lalo na at magkatabi sila ng kasintahan. Yes,her boyfriend now. Axel Jax Shuck. Magkadikit ang mga katawan nila habang mahigpit nitong hawak-hawak ang kanyang kamay na nakapatong sa isang hita nito. "Pasensya na maliit lang ito inuupahan ko," anito habang ginigiya siya papasok sa bahay nito. Wala ito kaide-ideya na palagi siya nakatanaw sa bahay nito gabi-gabi. Hawak-hawak pa rin nito ang kamay niya na tinungo nila ang kusina. Agad na nanuot sa pang-amoy niya ang masarap na pagkain. Namamangha na napatitig siya sa pabilog na mesa. May gumamela sa gitna ni

