Halos hapon-hapon natatagpuan niya ang sarili na nagkukubli sa labas ng pribadong opisina ni Ms.Esferial. Mas pinagtakhan niya ngayon na may nadatnan siyang upuan sa pinagkukublihan niya. Hindi na din malamok roon. Ayaw niya isipin pero hindi kaya alam ni Ms.Esferial na lagi siya nandito? Naipilig niya ang ulo. Imposible yun. Pinagbabawal nga sila na lumapit sa lugar na ito pero heto siya nangahas at nilabag niya ang batas na yun. Kapag nahuli siya paniguradong hindi magiging maganda ang consequence niyun pero gusto lang niya makaiwas kay Ma'am Nimfa na tila obsess na sa kanya. Marahas siya napabuga ng hangin. May kinse minuto na siya nakaupo roon at hindi siya pwede umalis doon hanggang hindi lumilipas ang kalahating oras bago umalis ang pinagtataguan niya. Habang nagpapalipas ng oras

