Chapter 39 Gabriel Pov '' ano 'yong narirnig ko, ha? '' ngiti namang tanong ni Dexter na kararating lang. '' hay nako! Iho, itong pasyente mo nasiraan na yata ng ulo at niririto ako sa Mama mo.'' sagot naman ni Daddy. '' hahaha.. Hindi nasisiraan ng ulo 'yan Tito, sadyang matagal nang sira ang ulo niyan.'' ani Dexter. Tawanan na naman kaming lahat maliban kay Alllysa na nakasimangot na ito at bumitaw kay Mama. '' ikaw 'yong sira ulo. baliw!'' ani Allysa kay Dexter. '' hahaha... Pikon! Pero kahit sira ulo 'yang anak niyo Tito may point naman siya dalaga naman si Mama kaya sabihin niyo lang at ako mismo lalakad sa inyo kay Mama.'' panunukso naman ni dexter sa ina niya. ''loko ka talagang bata ka.'' protesta naman ni Tita sa anak niyang si Dexter. '' hahaha.. Ma bagay naman k

