Chapter 42 Allysa Pov Matapos naming kumain ay umakyat na sa taas ang mga bata ako naman ay nagtungo sa sala para manood sana nang tv. Pero naalala ko na nasira pala ang tv no'ng nagwala ako. Kaya gusto ko na lang umakyat pero hindi ko napansin nasa likuran ko na pala si Gabriel. Lalagpasan ko na sana ito nang hawakan niya ang kamay ko. ''gusto ko mag-usap tayo!'' sabi nito sa mataas na boses. '' ayaw ko! Bitawan mo nga ako!'' sabay bawi ko nang kamay ko. Agad akong umakyat sa taas at sumunod naman siya. Nang hawakan ko na ang door knob ay agad niyang tinulak iyon at pumasok sa loob at agad niya ako hinila at isinara niya ang pinto ng silid ko. '' ano ba?lumabas ka!! Ayaw kita maka-usap!'' sigaw ko. '' Allysa hindi na tama ang ginagawa mo. Hindi mo dapat ginawa ang ginawa mo

