Chapter 48 Gabriel Pov Nang makita ko ang asawa ko na rumarampa sa entablado ay hindi mapagsidlan ang pananabik ko sa kaniya. Napakaganda niya sa suot niyang gown at sa suot niyang mga alahas na pinagawa ko para sa kaniya na ilang taon na ang lumipas. Kahit nakamaskara siya ay na e-imagine ko ang kaniyang mukha kahit ang labi niya lang ang nakikita. Habang papalapit siya sa akin ay grabe ang kaba kong naramdaman. Pero napansin ko na mukhang umumbok ang tiyan niya. Hindi ko alam kung tumaba ba siya o sadyang lumaki lang ang tiyan niya sa kakain ng balot. Nang malapit na siya ay nilahad ko ang kamay ko sa kaniya at naglakad kami sa entablado. Nang matapos na ang pagrampa ay bababa na sana ako sa stage ngunit mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. Lalo akong nanghina nang sabihin

