ZOEY Habang nag-aasikaso ako ng pagkain para sa tanghalian ay nasa sala naman ang mga bata. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na magkikita kami ni Raydin. Hindi ko akalain na siya pala ang may-ari ng hotel na 'yon. Habang nagsasaing ako ay narinig kong may sasakyan na huminto. Akala ko ay si Lorenzo iyon. Ngunit nang pagsilip ko sa bintana ay nakita ko si Raydin kasama si Mama. Nagtataka ako kung ano ang ginagawa ng lalaking ito dito? "Mommy, Mommy, bisita lola, ‘yong away sa amin," bulol na wika ni Renz sa akin habang nakatanaw silang apat sa kanilang ama. "Mommy, Mommy, takot ako. Baka kuong niya kami," wika naman ni Renzo. “Tara, batuhin natin para ‘di siya pasok dito bahay,’’ yaya naman ni Zoeren sa kaniyang mga kapatid. Agad ko naman sinaway si Zoeren. “Mga anak,

