Chapter 14 Allysa Pov Ito ang araw na libing ni mommy nasa harapan kami ng puntod niya. Nakahawak ako sa bisig ni daddy habang umiiyak. Kasama ko rin si Gabriel. Nasa tabi ko siya at inalalayan niya ako. Napahagulhol ako ng iniligay na si mommy sa himlayan nito. Si daddy ay gano'n din. Dumalo din ang mga malalapit na kaibigan ni mommy at daddy. At gano'n rin ang malalapit naming kamag anak. Naroon rin ang kaibigan kong si Crystal. "condolence beasty!" Bati nito sa akin at humalik, Yumakap ako sa kanuya. At inalo- alo naman niya ako. "salamat Crystal. " iyak kong wika. "isipin mo na lang na nagbakasyon si tita," wika pa nito. Habang ako iyak pa rin ng iyak. Makalipas ang ilang oras ay nagsiuwian na ang mga bisita. Pero nagpaiwan ako. Si daddy sinama na nila tito Manolo

