Chapter 33 Dexter Pov Nagda-drive ako ng montero ko, papunta sa province ng malonggay province. Limang oras ang biyahe no'n, mula Holand papunta sa lugar na iyon. Mayroon kasi kaming medical mission kasama ang iba kong team. Pero nauna na sila at ako naman ay nahuli na isa kasi akong doctor. At ugali ko na talaga ang tumulong sa kapuwa ko. Lalo na ang mga kapos palad. At walang kakayahang magpagamot. Bumuo ako ng team para makatulong sa ibang tao. At ang sponsor ko naman sa mga gamot na ibinbigay ko ng libre sa mga pasyente ko ay ang baliw kong kaibigan na si Gabriel. Hindi ko lang basta ito kaibigan kundi para ko na rin itong kapatid. Ang gago nga lang inagaw sa akin ang pinakamamahal kong babae na si Allysa Henderson. Akala ko naman ay mamahalin niya ito at iingatan. 'Yon pala

