Chapter 49 Allysa Pov. Nasa loob ako nang bahay ni Gabriel, kung saan niya ako dinala noong ipinadukot niya ako. Bukas kasi ay babalik na siya rito at gusto ko tumupad sa usapan namin. Si ate Des na lang ang naiwan sa bahay ni Dexter dahil si mama Lou kasi ay umalis na kanina papuntang Holand. Kasama si Gabby doon muna sila kina Hanna. Namili ako ng lulutuin ko para bukas. Gusto ko kasi ipagluto ko siya ng paborito niyang ulam ang kare-kare o kaya ay bulalo. tinuruan pa ako noon ni manang Meding na magluto ng mga paborito nitong ulam. Abala ako sa pag- aayos ng mga pinamili ko. Inilagay ko iyon sa ref pagkatapos ay lumabas ako ng bahay. Sariwa ang hangin dito sa labas at matatayog na puno ang nakikita ko. Puro berdeng dahon ang nasa paligid ng bahay. Kahit na kulang pa ang landsc

