Chapter 49 Sheina Pov. Abala ang lahat dahil ngayong araw ang engagement party ni Lance. Maaga pa nga nagising ang lahat maliban sa akin. Alas tres kasi ang engagement party ni Lance sa dalampasigan kung sa'n gaganapin ito. Kahapon tiningnan ko ang venue o ang pagda-dausan ng party at ang subrang ganda nito. May mga bulaklak na sa dadaanan ni Cristine maglalakad kasi ito sa pulang carpet at sa gilid nito ay puno ng mga malalaking rosas na iba't ibang kulay. Mayro'n ding upuan para sa mga bisita. Ang gara pa ng cake nila na pinakita sa akin ni Lance ang design. Tatlong layer ito at napapalibutan ng puting rosas. Engagement party palang ito pero parang kasalan na ang magaganap sa ayos ng mga gamit na naroon. At kahapon dumating rin ang gown na napili kong design, subrang ganda nit

