Chapter 6 Crystal Nang matapos kong ibigay ang sarili ko kay Reynold nang gabing iyon ay para akong sinakluban ng langit. Matapos niiya sa akin sabihn ang mga salitang lumabas sa labi niya ay parang pinagpira-piraso ang puso ko. Agad akong nagbihis noong lumabas siya ng hotel. Pero hindi ko pinagsisihan na ibinigay ko sa kaniya ang katawan ko. Alam ko galit siya sa akin. Ako ang nagtulak sa kaniya para magalit siya sa akin. Kung nakinig lang sana ako noon sa kaniya hindi sana kami umabot sa ganito. Nagkamali ako sa naging kilos ko noon. Ngunit hindi ko naman alam ang buong katotohanan noon. Iiwanan ko siya at pinagsalitaan ng hindi maganda dahil akala ko ay niloloko niya ako. Pero kung mahal niya ako sana man lang sinuyo niya ako. Araw-araw ko rin sinusuot ang kuwentas na bigay niya

