RAYDIN Makalipas pa ang ilang buwan ay imbitado ako sa kasal ni Reynold kay Crystal Hemenez. Kasama ko si Enrico na nag-attend. Engrande ang kasal ni Reynold at halata sa mga mata ng dalawa na nagmamahalan sila. Masaya ang bride habang suot nito ang maganda niyang gown. Walang patid ang mga ngiti nila sa kanilang mga labi habang magkahawak ang kanilang mga kamay. Sa hardin ginanap ang kasalan ng dalawa sa mansyon ng mga magulang ni Reynold. Naroon din ang mga matalik nitong kaibigan. At sina Daddy at Mommy ay hindi rin nawala. Sa 'di kalayuan ay nakita ko ang kapatid ko at si Dr. Franco Salazar. Matamis ang mga ngitian nilang dalawa. Mukhang may relasyon yata ang dalawang ito. Naroon din sina Finn Gabriel Moore at ang asawa nito. Naroon din si Liam Henderson at asawa nito. Pati si Lan

