RAYDIN Kinabukasan ay ipinasyal ko si Zoey sa tabing dagat na malapit lang sa San Luiz kung saan nakatira si Tita Esmiralda ang nag-alaga kay Zoey noong naaksidente ito. Naglalakad kami ni Zoey sa tabing dagat. Naaksuot Siya ng kulay puting damit at nakasumbrero ng kulay gray na bilog at malapad. Nakapaa lang siya dahil gusto niyang maramdaman ang buhangin sa kaniyang mga talapakan. Naka-short lang ako ng taas tuhod ko at nakapolo na pangdagat din. Napakaganda tingnan ni Zoey habang nag-e-injoy na naglalakad sa mga buhangin at nagpapahabol ng mga alon sa dagat na humahampas sa dalampsigan. Nakatayo lang ako habang pinagmamasdan siya. Ngayon ko lang lubos naintindihan sina Mommy kung bakit gusto nila si Zoey. At ngayon ko lang din naintindihan ang kakambal ko kung bakit gano'n na lang a

