Matapos naming mag-usap ng asawa ko. Nandito kami ngayon sa sagingan at alam nyo bang kasalukuyang umaakyat siya nang puno. Kinikilig ako sa nakikita ko, abot langit ang ngiti ko. Napahawak ako sa tyan ko at kinausap ang baby ko. "Hello, baby nakita mo ba yon. Siya ang daddy mo. Mahal na mahal ka namin." sambit ko habang hinahaplos haplos ang tyan ko na nag sisimula nang umumbok. Totoo nga pala ang sabi nila, kapag itinatago nakikisama ang baby sa loob at kapag nalaman na bigla siyang nalaki. Ang sarap ng upo ko ng may humawak sa balikat ko, kaya nagulat ako bigla. "Labs, ikaw pala. Bakit ang bilis mo namang makababa." tanong ko, bigla na lang kasi siyang sumusulpot. "Para sainyo ni baby Labs, sana magustuhan niyo," bulong niya sabay haplos sa tyan ko. "Gustong gusto namin ni baby

