Masaya kaming umalis ng ospital at diretso byahe na kami pabalik ng resort sa Palawan. Sabi niya kailangang malaman na nang lahat sa resort ang kalagayan ko. Excited daddy talaga ang asawa ko. Hinayaan ko na lamang siya sa gusto niya. Masaya ako na masaya siya sobra. Sa sobrang haba ng byahe namin nakatulog ako at ginising na lang niya ako nang malapit na kami sa resort. Nagpunas pa ako ng mata nang dumilat ako, baka kasi may muta pa sa mata ko nakakahiya sa asawa ko. "Labs, nasa resort na ba tayo?" tanong ko, sapagkat hindi ko na rin maaninag masyado dahil gabi na kami nakabalik. "Yes Labs, nandito na tayo." sagot niya habang pinapatay na ang engine ng makina. Lumabas ito ng kotse at umikot sa parteng inuupuan ko para alalayan ako bumaba. "Thank you," wika ko.. Naglakad na kami ng s

