"Hmmm! Mukha naman akong ewan dyan Labs. Ayoko nga nyan!" mariing wika nito. "Pero Labs, Hayan naman ang sinusuot nang mga buntis 'di ba? Mas maganda 'to sayo, sukatin mo muna kasi bago ka mag reklamo dyan." wika ko. At sana lang pumayag siya sa gusto ko. "Hmm! Ayoko! Ayoko. Pag pinilit mo sa'akin 'yan, hindi na lang ako a-attend mamaya." wika niya. Napasabunot na lamang ako sa buhok ko sa tigas nang ulo nang asawa ko. "Bahala ka na nga! Ayaw mo naman magpa awat, eh' 'di sige." wika ko sabay simangot at walk-out. "Labs," tawag nito. Pero dire diretso lang ako at walang lingon lingon na lumabas ng kwarto. Pagbaba ko naabutan ko sila Ate, Alleli at kuya Mac. Nang makita naman nila ako kaagad tinawag ni Ate ang pansin ko. "Oh! bro, bakit tila badtrip 'yang mukha mo?" tanong ni Ate

