PHILIP Hindi ko akalain na makikita ko siya sa Mall. I'm trying to forget her, pero lagi na lang kaming pinagtatagpo. "Bakit ba lagi natin siyang sinusundan?" kausap niya sa'kaniyang sarili. Someone calling.. Doc. Harold... Pagka kita niya nang name nito pinatay niya agad ang kaniyang cellphone. Hindi pwedeng makausap ko siya nito, dahil pipilitin siya nitong bumalik ng America para magpa gamot. "Wala naman akong sakit 'di ba?" tanong niya sa sarili. Sabay ngi-ngiti na parang wala lang. Pumasok siya sa room niya. "Hello, Mahal!" bungad na bati niya rito. "Alam mo ba mahal nagkita tayo ulit. Hmmm! Kasama mo na naman siya, sinabi ko na nga sayong hwag kang lalabas dito. Bakit mo ba ako laging sinususuway," wika niya habang kinakausap ang isang living doll na kamukhang kamukha n

