Kanina pa ako hindi mapakali, lalo na nakita ko na naman si Philip. Hindi ko alam bakit sa tuwing nakikita ko siya pakiramdam ko magkakaroong ng problema. Trouble ang dala ng lalaking 'to sa buhay naming mag-asawa. Lalo na kung makatingin ito na sobrang lagkit. Sa dami ng kaibigan ng asawa ko na nakilala ko, kay Philip ako ilag. Ayokong nasa paligid niya lang kami. Kinatok na ako ng asawa ko para magpaalam na pupunta siya sa stagged party. Ayoko sana siyang payagan pero nag promise naman itong babalik rin kaagad. Hinalikan ko na lang siya sa labi nang matagal na parang ayaw ko siyang bitawan. "Labs, okay ka lang ba? Hindi na lang ako aalis kung ayaw mo?" tanong nito. "Hmmm! Pwede kaya Labs? Hindi ba sila magtatampo sayo?" tanong ko na alanganin pa. "Magtatampo, pero mas mahalaga kayo

