Nagkakagulo sa Mansyon ng magising ako. Nawalan ako ng malay, dahil may pina amoy sila sa'akin. Teka! Nasaan ang asawa ko??? "Alexaaaa! Labssss! Nasaan ka??" paulit-ulit kung sigaw. "Ate? Nakita niyo ba ang asawa ko? Anong nangyari?" tanong ko lalo na nang makitang nagkalat ang mga gamit sa loob. Nanakawan ba kami? Bakit pati asawa ko wala? "Nagising na lang ang mga katulong na ganito na. Basta ang natatandaan ko masarap ang tulog ko at hindi man lang ako nagising para uminom ng tubig. Usually every midnight, daily routine ko na yon." sagot ni ate na kahit siya mismo at naguguluhan sa nangyari kagabi. "Ibig sabihin wala ni isa sainyo ang naka kita sa asawa ko?? Sigurado ba kayo?" nang gagalaiti na galit ko. "Sir! Nakatulog ako!" hinging paumahin ng security guard sa gate nang Mans

