Habang nagtatakbo ako palayo sa bakanteng gusali kung saan ako dinala nang masamang taong yon. Hanggang sa naririnig ko na ang boses ng mga tauhan niya. "Hoy! babae sabing tumigil ka," sigaw nito, pero hindi ako lumilingon kahit anong gawin nila hindi nila ako mahuhuli. Hanggang sa nagpa putok na ito ng baril para lang tumigil ako, pero hindi pa rin ako nag patinag. Bahala sila humabol ng humabol, kailangan kung umalis dito. Mas binilisan ko pa ang pag takbo, sapagkat hindi nila dapat ako maabutan, dahil mas manganganib ang buhay naming mag-ina kung sakaling makukuha nila ulit ako. Kahit masakit na at nagkanda paltos paltos na ang paa ko tuloy pa rin ako sa pag takbo. "Poon, tulungan niyo nawa akong maka alis sa lugar na 'to," mahinang usal ko. Dahil pagod na pagod na rin ang katawan ko

