Pagbalik ko ng headquarters dinampot ko lang ang cellphone ko at lumabas na rin ako kaagad. Wala akong time para makipag plastikan sakanilang lahat. Lalo lang akong naiinis sa mga sinasagot nila sa'akin. Kung ayaw nilang kumilos ako ang gagawa ng paraan. Kaagad akong pumasok sa sasakyan ko at nag drive papalayo rito. Nagpatulong na rin ako sa mga ilang kaibigan namin at nagbabakasakali ako na kapag mas maraming mag hanap, may mas malaking chance na mahanap namin ang asawa ko. Kasalukuyang nagda drive ako nang tumawag si Ate, hayan na naman siya sa pangungulit sa'akin na umuwi nang Mansyon. Hindi niya ba maintindihan ang nararamdaman ko, nawawala ang asawa ko at pwedeng mapahamak ang mag-ina ko kapag mas lalong tumatagal na hindi ko ito nakikita. Nag off ako nang cellphone para walang mak

