Chapter 5-Mr. Irritable

1719 Words
"Tulungan nyo po ako," usal ko. Dahil yan na lang ang tanging magagawa ko nang sandaling 'yon.. Pinasok niya ako sa loob ng kotse at halos kumulo ang dugo ko nang marinig ko na naman ang boses nito. "Huwag kang feeling diyan, hindi kita type wala akong balak kahit katiting. Hindi ka maganda sa paningin ko." madiing wika nito. Talagang pinamukha niya saakin na ang pangit ko. B-weset ka talagang hukluban ka." bulyaw ko rito. Kanina pa kasi siya nang lilibak nang pagkatao ko. "Bakit, masama bang mag sabi nang totoo." wika nito. "Ewan ko sayo, pababain muna nga ako dito. Sinabi ko ba sayong tulungan mo ako." inis na wika ko. "Hindi ka ba talaga titigil huh! kanina pa ako nabibingi sa bibig mong armalite." singhal nito. Habang patuloy ito sa pagda drive wala pa rin akong tigil sa kakasinghal sa'kaniya. Akala ba niya magpapatalo ako sa katulad niyang matandang hukluban. Puwes hindi! 'Di ako pinalaki nang magulang ko para api apihin lang nang kung sino-sino, lalo na sa tito ni Alelli. "Mukha na nga siyang lolo," natatawang naiisip ko. "Anong tinatawa tawa mo diyan huh! baliw ka ba?" tanong nito. Siyempre wala na mang magandang nalabas sa bibig nito kung hindi panlalait at pang lilibak. "Wala kang paki, tumawa ka rin." singhal ko. "Bakit ako tatawa may nakakatawa ba? tigil mo mga 'yang kakatawa mo baka mahawa pa pamangkin ko sa kabaliwan mo." saad nito. "Never mine." saad ko. Nanahimik na lang ako, dahil baka pag hindi ako nakapag pigil masapak ko pa ang hukluban na 'to. "Ayan itikom mo bibig mo, mas mainam pa." ani nito. Dahil sa katahimikan hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako nang may tumatapik nang paa ko. Sa akala ko na hinahawakan ni hukluban ang legs ko. Napabalikwas ako nang bangon at napasigaw. Waaaah! Kita ko naman ang mukha ni Alleli at ng tito niyang hukluban. "Bestfriend, ayos ka lang ba?" bungad na mukha ni Alleli, nagtataka yata sa pag sigaw ko. "Ah! wala naalimpungatan lang ako." sagot ko. "Baka nag-iinarte lang," bulong ni hukluban. "May sinasabi po kayo tito?" tanong ni Alleli. "Ah! wala, ang sabi ko malalim na ang gabi. Wala pa ba kayong balak matulog?" pag-iiba nang tanong nito. Hmmm akala ba niya hindi ko narinig ang sinabi niya. "Sige po tito, susunod na lang po kami." sambit ni Alleli. "Okay," tipid naman na sagot nito. Tumalikod na ito at pasimple ko na lang sinundan nang tingin ang tito niya. Sa dami ba naman nang tao sa mundo, sa'kaniya pa ako nagka crush. Eh! nuknukan nang sama nang ugali! Asar! "Best, matanong ko lang ah! Huwag mong mamasamain, bakit ba masungit ang tito mo? Pinaglihi ba 'yon sa sama nang loob?" curious na tanong ko. "Ah! Hindi naman masungit si tito. Super strict lang. Hindi 'yon pinag lihi sa sama nang loob," natatawang wika nito. Kasalukuyan kaming nag-uusap sa veranda nila. Hindi pa rin kasi ako makatulog, after what happened a while ago. Sobra akong natakot at ayaw ko nang isipin pa ang mga bad na lalaking 'yon. Pasalamat na lang talaga ako dumating si hukluban at niligtas niya ako. "Sige na at baka antok ka na. Mauna ka na, sunod na lamang ako mamaya." wika ko. "Hindi pa rin kasi ako makatulog," dagdag kung sambit. "Ah! sige best, sumunod ka agad ha!" wika nito. Kasabay nang pag talikod at naglakad papalayo. Naiwan naman akong mag-isa at nakatingin sa kalangitan. "Sana maging successful ako sa buhay," hiling ko nang may biglang dumaan na shooting star. Idinilat ko ang mga mata ko at napangiti ako. Nawala ang ngiti ko nang maalala na naman ang tito ni Alleli na pinaglihi yata sa sama nang loob. Wala yatang ginawa 'yon kundi inisin ako. Ano naman kayang mapapala niya kung iinisin niya ako. Haixt! Lingid sa kaalaman nito na may isang taong naka tunghay sa'kanya at pinagmamasdan ang bawat kilos niya. Pinagmamasdan siya sa malayo at sinisimsim ang wine glass na hawak nito. Kanina pa hindi makatulog si Alex at sinusundot pa rin siya nang konsensya, sa ginawa at nasabi niya kay Alexa kanina. "Hmm! Ang kulit naman kasi niya at ang flirt pa. Kaya hindi ko maiwasang mainis sa batang 'yon." usal ko. Kita mo wala pa yatang balak matulog 'to, pasado alas dose na nang madaling araw hindi pa rin pumapasok. Sinubukan ko siyang sitsitan. Pssssst! sabay tago ko. Napalingon naman ito at nang walang makita, tumalikod na ito. Akala ko pa naman papasok na siya sa loob, ngunit hindi pa rin pala. Muli ko siyang sinitsitan sa pag aakalang papasok na ito, ngunit dedma ito. Kaya mas linakasan ko pa ang pagsitsit at binato ko siya nang maning hawak ko. "Aray!" sigaw nito. Dahil sa tahimik na rinig ang sigaw nito. "OA mo!" Bigla kung sigaw. Nakita ko naman ang pag taas nang kilay nito. "Ikaw na namang hukluban ka. Ano bang trip mo? huh?" sigaw nito. "Wala naman kutong lupa. Bakit hindi ka pa natutulog," tanong nito. Kikiligin na sana ako na concern ito sa kalusugan ko. Kaso lang may pahabol pa itong sinabi na kina bweset ko. "Kaya hindi ka na tumangkad! Nag pupuyat ka kasi kutong lupa," dagdag na sambit nito. Sinasagad talaga nang matandang hukluban na 'to ang pasensya ko. "Hoy! Matandang hukluban bumaba ka nga rito. Kanina ka pa huh! Akala mo palalampasin ko 'to." sigaw ko. Tinawanan lang ako nito at tumalikod. At wala akong tigil kakasigaw na bumaba ito. "Ano takot ka pala huh! Ang yabang mo kasi akala mo kung sino ka. Ano ka nga---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla itong bumungad sa harapan ko. "Sinong takot sa'yo?" tanong nito.. "Ah! eh! Wala. Tutulog na nga ako sabi ko." wika ko. Pero nagulat na lang ako nang bigla niya akong harangan. Halos ilang dipa na lang ang layo nang labi namin. Kaya napa pikit ako sa akalang hahalikan niya ako. Ilang minuto na pero walang labi ang dumampi sa labi kundi pitik sa noo ko. "Aray!" inis na sigaw ko. "Ayan! para magising ka sa katotohanan. Ano akala mo ba hahalikan kita? Asa ka! In your dreams," natatawang sambit nito sabay talikod at pasok sa loob. Naiwan naman akong mag-isa at nagsisigaw bweset ka. Nakakainis ka talaga. Makapasok na nga lang sa loob, bago pa masira ang umaga ko. Asar! Samantalang tawang tawa naman si Alex sa ginawa kanina. Pero muntik na siyang madarang kanina, buti na lang nakapag pigil pa siya. Hindi naman talaga sa ayaw niya rito, o baka maging bad influence ito sa pamangkin niya. Natatakot siya at ayaw niyang aminin sa sarili niya na baka ma fall siya sa bata. Almost 22 years gap nila at mukha na siyang tatay nang bata, kaya hangga't kaya niya gusto niyang iwasan ito at maiwasan ang pagkakasala sa yumaong girlfriend. Inubos niya na ang laman nang wine glass at inilapag ito sa mini table nang terace. Naglakad na siya papasok nang kwarto, dahil dinalaw na rin siya nang antok. Pagpasok pa lang nang kwarto sumalampak na ito kaagad sa kama at sinubukang ipinikit ang mga mata niya. Pero hindi pa rin siya dinadalaw nang antok kaya naman bumaba siya para kumuha nang isa pang alak pero sisiguradihin niya nang matapang ang iinumin niya. Kanina pa kasi ginugulo ni Alexa ang isip niya, aaminin niya natakot siya nang muntik nang magahasa ito nang mga tambay kanina. Buti na lang dumating siya paano kung hindi 'di ba? kargo pa nang konsensya niya 'yon. Siya naman kasi ang dahilan kung bakit umalis ito, dahil nasaktan niya ang damdamin nang bata. Nang makuha niya ang sadya niya babalik na sana siya nang kwarto nang makitang bukas ang kwarto ni Alexa. Kaya naman naisipan niya itong isara. Lumapit siya sa kwarto nito at dahan dahang isasara sana nang may mahawakan siyang kamay. Sabay sigaw nito nang "Manyak, saklolo, tulong.. "Huh! Anong manyak? kaya sa inis niya tinulak niya ang pinto at hindi niya sinasadyang matumba ito. Kaya naman galit na galit si Alexa nang bumangon. "Ha-- hindi niya na natuloy ang sasabihin nang makita niya si Alex na nakasuot lang nang sando at boxer short. Kaya naman napatakip siya nang mga mata. Lumayas ka rito, ano bang trip mo?" bulyaw nito. "Excuse me? Burara ka kasi, hindi ka nagsasara nang pinto. Baka gusto mo talagang may pumasok nang kwarto mo. Ang bata bata mo pa--- hindi na nito natuloy ang sasabihin, dahil binagsakan na siya nang pinto ni Alexa. Kita mo 'tong kutong lupa na 'to, kina kausap ko pa sinarhan na ako nang pintuan kung 'di ba naman walang manners. Nagulat naman siyang nag bukas muli ang pinto. "Narinig ko 'yon matandang hukluban, tseeee!" singhal niya at pabagsak na isinara muli ang pintuan. "Arrgh! inis na singhal ni Alex. Kung 'di ka lang talaga bestfriend nang pamangkin ko, matagal na kitang pinalayas rito." inis na bulong nito. Sabay talikod at alis bago pa siya mabweset nang tuluyan. Bumalik siya nang kwarto at nilaklak ang alak para makatulog na rin siya, lalo ngayon mukhang na high blood siya sa engkwentro nila nang batang 'yon. Hindi niya akalain na ganon talaga katastas ang dila nito. Walang galang sa nakakatanda. "Walang hiya! tawagin ba akong matandang hukluban. Alam ko matandang binata lang ako, pero hindi ako hukluban." Asar! Tinungga niya ang alak hanggang sa tamaan na rin siya nang antok at hindi na niya naligpit pa ang bote nang alak, dahil hindi na niya kinaya at sumalampak na ito sa kama at hinila na rin siya nang antok. --- Samantalang yamot na yamot si Alexa sa ugali nang crush niya. Ke tanda tanda na mapag patol sa katulad niya. Hindi la gentleman, ano bang kahanga hanga roon. Mukha namang pinaglihi sa sama nang loob, wala yatang girlfriend 'yon. At paano nga pala magkaka girlfriend eh! nuknukan nang sama nang ugali, may tatagal ba sa ugali niya?" natatawang usal nito. Napatingin siya sa wall clock. Pasado alas dos na nang madaling araw, pero hindi pa rin siya dinadalaw nang antok. Kaya naman nag sound trip na lamang siya nang paborito niyang banda at ang cruh na crush niyan vocalist na si James. Kaso balita niya nag asawa ba raw ito, kaya hanggang pantasya na lang siya. Hanggang sa nag hikab hikab siya at hindi niya namamalayang nakatulog na pala siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD