Chapter 6- The unexpected visitor

2017 Words
Alexa! maganda! Alexa maganda! Nagising si Alexa sa ingay nang alarm clock nang voice record niya. Ito ang pang pagising niya para umaga pa lang maganda na ang araw niya. Bumangon siya sa kama at nag unat unat nang katawan bago niya buksan ang bintana. Dahil sa ang ganda nang sikat nang araw na napa bukas siya nang bintana sabay sabi na; "Good morningggg!" sigaw niya. Medyo napalakas yata ang pagkakasabi niya at may sumita sa'kaniya. "Ang aga aga, ang ingay mo. Hwag mong sabihin nang bubulahaw ka na naman huh?" saway nito. Pag tingin niya sa ibaba, gayon na lamang ang inis niya nang makita kung sino ang sumita sa'kaniya. Matandang hukluban!Tsee! Sabay sara niyang muli nang bintana. Inis na inis na naman ito, dahil siya na naman ang nakita nito. Pero imbes na ulitin niya ang paglalayas! No way! matira matibay na lang kami. Kinuha ko ang hawaian dress ko at isinuot, mas lalo ko siyang iinisin, 'yong flirt na sinasabi at ibinibintang niya sa'akin, gagawin ko 'yon. Tingnan ko lang kung hindi maubos yang buhok mo sa buong katawan sa kunsumisyon. Napangiting usal ko. Bumaba na ako nang hagdan at nag diretso ako sa mga kubo. Kung saan naroon ang mga staff nang resort. Makikipag usap ako sa mga ito, nang mapansin kung may kasama itong lalaki at infainess mas gwapo kay hukluban at mukhang fresh sa'kaniya. Imbes na sa mga staff ako magpa cute sinadya kung kunin ang atensyon nang kasama nito. Nag ala model akong dumaan sa harapan nila at nakita kung napatingin ang kasama nito at dahil nakatingin ako rito, hindi ko napansin ang tipak nang bato kaya nadapa ako. Nakarinig ako nang malakas na halakhak at kahit nakatalikod pa ako alam ko kung kaninong boses 'yon. Tatayo na sana ako nang may isang kamay ang humawak sa balikat ko. "Are you okay Miss," tanong nito. Napaligon ako sa baritonong boses nito, at halos manlaki ang mata ko sa kagwapuhang taglay niya, para siyang greek God na si Zeus sa Greek Methology book. At kung gwapo na nga siya siya sa malayuan may mas iga- gwapo pa pala siya sa malapitan. "Okay, lang ako! Shelemet," pabebeng sagot ko. "What did you say Miss?" ulit nitong tanong. Shemay! mukhang dudugo pa yata ang ilong ko rito. Hindi nakaka intindi nang tagalog. "I mean. I'm okay, thank you." sambit ko. "Are you sure Miss?" muling tanong nito. Nginitian ko na lamang siya, dahil ayokong dumugo ang ilong. Habang si matandang hukluban naman ay matalim kung makatingin. Nag sign pa nang I'm watching you. Pakialam ko sayo, sigaw ko. Sinadya ko talagang isigaw para marinig niya. "By the way Miss. I'm Stephen Davis," pakilala nito sabay lahad nang kamay niya. At dahil nga gusto kung ipakita kay tanda na flirt nga ako, kaya eto gagawin ko na. "I'm Alexa Echavez," sagot ko. "Nice name Alexa. Do you have boyfriend?" tanong nito. Sasagot na sana ako nang makarinig ako nang tikhim sa likuran ko. At tinatawag na nito si Stephen. "Bro! Don't talk to strangers, especially--- sinadya nitong putulin ang sasabihin. Kaya naman nagpaalam na ako kay Stephen. "Bye! Thank you again Stephen and nice meeting you." pagpapaalam ko rito. "Bye! Alexa, nice to meet you too." sagot niya. "Please excuse me!" wika ko. Baka sabihin na naman kasi ni tanda wala akong manners. Kitang kita ko ang inis sa mukha nito kaya pakiramdam ko panalo ko ngayong araw. Diretso ako sa staff house, pumasok ako roon para mag bihis nang uniform namin. Nag apply ako nang light make-up para magka kulay ang mukha ko kahit papaano. Nang masiguro kung maganda na ako lumabas na ako nang staff house. Naglakad lakad ako at bawat dumarating na mga turista ay binabati ko. Ngini ngitian ko sila nang ubod nang tamis. Palinga linga ako kung makikita ko si tanda pero salamat naman wala ito, kaya nakahinga ako nang maluwag. Hindi sa ayaw ko talaga siyang makita, dahil sinisira niya ang bawat araw ko. Pero anong gagawin ko siya may-ari nang resort na 'to. Kung 'di ko lang talaga need nang budget pang tuition fee next School year, hindi ako papasok sa resort ni tanda. Umupo muna ako dahil nangalay ang mga paa ko at halos mapasigaw ako nang gulatin ako ni Alleli. "Waaa! Anak nang tipaklong naman best, bakit ba kasi nang gugulat ka dyan." tanong ko sabay ismid. "Wala lang best. Tito is looking for you." saad nito. "What? your tito? at bakit naman ako hinahanap ni tan-- I mean ni sir Alex." nagtatakang tanong ko. Ano 'yon sinapian nang masamang hangin, para hanapin ako. Himala 'yon, baka kahit magunaw ang mundo eh! nuknukan nang sungit nun. "Not tito Alex. I mean tito Stephen." saad niya. Sabi na nga ba eh! malabo ang tito niyang si tanda ang maghanap sa'akin. "Oh! bakit daw? may kailangan ba siya?" tanong ko. Mukhang type ako ni kano eh! May naisip tuloy akong plano. "Oo, narinig ko kasing hindi sinasadya na pinag uusapan ka nila at take note ipinagpapaalam ka ni tito Stephen kay tito Alex after work mo." wika nito, sabay tingin sa malayo. "A-ano? Naku! Alleli, ano naman sabi nang tito Alex mo?" curious na tanong ko. "Hmm! oo daw." sagot nito. Hindi ko alam bakit bigla akong nalungkot, talaga bang ang pangit ko sa paningin ni tanda at hindi ako nag e-exist sa mundo niya. Ay! Mali. Nag e-exist naman pala, pero sa hindi magandang paraan niya ako nakikita. Haixt! "Oh! bakit malungkot ka dyan. Gwapo naman si tito Stephen, single pa pati at take note mayaman 'yon best. Kung liligawan ka niya, boto ako best." wika nito. Napa isip ako bigla kung sakaling tito naman niya ang manligawa saakin, ganyan rin kaya ang sasabihin niya. "Hoy! mangarap ka nang gising," hiyaw nang utak ko. Na kahit kailang kontra sa mga gusto ko. Ngumiti na lang ako kay Alleli at nagpaalam na may aasikasuhin pa ako. Ayoko naman sabihin ni tanda na pa petiks petiks lang ako sa trabaho lalo na mahal ang pasahod niya sa mga staff niya rito sa resort, kaya nga ako naengganyong pumasok rito kahit ubod nang pait at suplado ang tito niya. Kahit tumbling kasi ako araw-araw, wala akong makikitang 1,000 per day mo at sa loob nang 15 days sasahod ka nang 15,000. Malaking tulong ito lalo na sa mga gastusin ko sa school at libre rin naman ang aking tulugan, hindi ko po problemahin ang renta nang apartmet, dahil hindi ko na kailangang pang mag rent. At isa pa umaga naman ang shift ko sa work ko at sa hapon pa rin naman ang class ko, hindi ko na nga lang classmate si Alleli ngayon, kasi naman hindi siya pinayagan nang tito niya na mag shift nang time. Pakiramdam ko ini iwad nito sa'akin ang pamangkin niya, dahil akala niya yata bad influence ako rito. "Alleli, hoy!" tawag ko rito. Kasi kanina pa ako nag sasalita, hindi man lang ito umiimik. Napatingin ako sa tinitingnan niya at halos lumuwa ang mga mata ko sa ganda nang view na nakikita ko. Si tanda naka suot nang surfer suit at may hawak nang surf board. Hinawakan ko ang garter nang panty ko at baka malalaglag sa ulam na nakikita nang mga mata ko. Kahit nakasuot ito bakat na bakat ang muscle nito at abs na humihiyaw sa pagka bakat. Maging ang pang ibaba nitong ipinagmamalaki ay umbok na umbok. Napatakip ako sa mga mata ko bigla, dahil hindi ko kinakaya ang mga nakikita ko. Pakiramdam ko nagkakasala ako sa langit. Patawad! Lord," usal ko. "Best, sabay tapik ni Alleli sa'akin at hilahin ako. Ano ba 'yon?" tanong ko. "Look si Tito Stephen, nakatingin dito." wika niya. Napatingin naman ako sa tinuturo niya at kitang kita ko rin ang nagpuputukan muscles nito at ang pang ibaba nito ay mas maumbok pa kay tanda. Patawarin ako ulit. Hindi ko gusto ang nakikita ko, pero hindi ko rin maiwasang punahin ang ganda nang view talaga. Lalo na nang lumapit ito sa kinatatayuan namin. "Hi! Alexa, Can I invited you for a dinner later?" tanong nito. Hindi ko alam kung sasagot ba ako nang yes kasi kanina pa naka kunot ang noo ni sir Alex. Ano na naman kayang problema sa buhay nang isang ito. Kailangan ko kaya makikitang ngingiti ito, sabi ni Alleli smiling face ang tito niya, pero saan banda. Mukha ngang pinag lihi 'yon sa sama nang loob. Natatawa na lamang ako kapag naalala ko. Muntik ko nang makalimutan si sir Stephen na kanina pa nag hihintay sa'akin kaya sumagot agad ako rito nang "Oh! yes," sabay flip nang hair at ngiti rito. "Thank you, Alexa. I'll go inside.See you around." wika nito. Sabay lakad papasok nang resort at sumunod naman si tanda na naka tiger look na naman sa'akin, nag-iwas na lamang ako nang tingin, dahil ayaw kung salubungin ang inis matalim niyang tingin. "Alleli, mauna na rin ako." saad ko. Sabay lakad patungong staff house. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, pakiramdam ko nag seselos si sir Alex kanina. "Ambisyosa," hiyaw nang isipan ko. Oo, alam ko naman. Tanggap ko naman," usal ko. Mamaya pa naman ang off ko pero nire ready ko na ang susuotin ko para mamaya. Naka kita ako nang blue dress na may slit sa gilid nang hita ko at labas ang kaliwang hita ko kapag suot ko ito. Nag aalangan tuloy ako kung ito ba ang susuotin ko, hindi kaya mag mukha akong aggressive sa paningin nito. Ayoko naman na ma turn off ito sa'akin, lalo na first friendly date namin 'to. Hay! Naku! bahala na nga, eto na lang floral hawaiian dress ang susuotin ko mas desente pang tingnan. Nang matapos ako sa pag pili lumabas na ako rito at naglakad para bumalik sa pwesto ko. Nang hindi ko napansin ang naka usling kahoy rito at nadapa ako. Sobrang sakit na paa ko kaya napa daing ako nang sobra. Hindi ko alam na napalakas ang boses ko kaya nagpuntahan sila sa kinaroroonan ko at sabay pang pumunta si sir Stephen at Alex. "Are you okay?" biglang tanong ni sir Stephen. "Yah! I'm okay." sagot ko, sabay tayo pero bigla akong natumba, dahil sa sakit nang paa ko. Kaya naman nag-aalala sila sa'akin. Binuhat ako kaagad ni sir Stephen papasok nang resort, nahihiya man ako dahil sa guest room niya ako dinala. Ibinaba niya ako sa kama at hinilot hilot ang aking mga paa. "I think you have a sprained, wait for me here. I call a doctor to check you." saad nito. Sabay dahan dahang ibinaba ang mga paa ko at lumabas nang pintuan. Naiwan tuloy akong mag-isa, habang nakaupo ako at hinihilot hilot ang mga paa ko. Mga ilang minuto na at hindi pa ito bumabalik medyo kinabahan na ako. Panay kabog nang dibdib ko. "Bakit ba kasi ang lampa ko kung minsan haixt. Nakakainis naman. Siguro tuwang tuwa na yong hukluban na 'yon kasi nadapa ako. Nuknukan talaga nang sama nang ugali eh! Hindi man lang ako tinulungan, ang malala pa nakatingin lang. Hindi man lang naging gentleman. Teka nga bakit ko ba siya pinag-iisip, wala naman siyang kwenta kausap. Sinubukan kung tumayo nang dahan dahan pero nabuwal lang ako at nang tatayo na ako para bumalik nang kama, hindi ko na magalaw ang kaliwang paa ko. "Help! Help!" sigaw ko. Nagbabakasakali ako na may makarinig sa'akin nang sandaling 'yon at matulungan man lang ako. Pero halos mapaos na ako kakasigaw wala man lang kahit isa ang lumapit. Naiiyak na ako sa sakit hanggang sa dumating si sir Stephen. Kaagad niya akong nilapitan at binuhat pabalik nang kama. Dahil sa takot napayakap ako dito nang mahigpit at ramdam ko ang pag aalo-alo niya sa likuran ko. Buti pa si sir Stephen may pakialam sa nararamdaman ko, samantalang si sir Alex wala man lang. Nuknukan nang sama nang ugali. I hate him. From now on, kakalimutan ko nang naging crush ko ang hukluban na 'yon, puro sakit sa puso lang naman ang pinaparamdam noon sa'akin. At isa pa wala naman siyang nakita na ginawa kung tama. Haixt!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD