Chapter 5

3193 Words
TULAD ng sinabi ni Makki ay agad silang nag-usap sa study room nito pagkatapos nilang mag-breakfast. Pilit na sinaksak ni Lyn sa isipan na dapat siyang mag-concentrate sa pag-uusapan nilang dalawa nang hindi na-di-distract kay Makki. Ewan ba niya pero kahit ngayon ay wala pa din siyang ideya kung bakit nakakaramdaman siya ng kakaiba kapag malapit sa kanya si Makki. Hindi kaya may gusto siya kay Makki? No way! giit niya sa sarili. Eh bakit ganoon nalang ang pagkabog ng puso niya kapag kaharap niya ang lalaki? Lalo na kapag nakatingin siya ng diretso sa mata nito? Lihiim niyang ipinilig ang ulo. Hindi tama ang iniisip niya ng mga sandaling iyon. “Anong magiging plan natin sa resort? You said you have an idea.” ani ni Makki nang hindi pa din siya umiimik kahit na ilan minuto na silang nasa study room nito. Humugot muna si Lyn ng hininga para makapag-concentrate. “Where is the profit reports?” Kinuha ni Makki mula sa lamesa nito ang isnag folder at iniabot sa kanya. “As you requested, ito na ang reports ng buong kita ng resort last quarter.” Agad iyon kinuha ni Lyn at binasa. Wala pa man ay feeling niya na labis na sasakit ang ulo niya sa pagtulong na kumita ang resort. Naipiling na lang siya ng malaman na halos walang pinapasok na kita ang resort. “Hindi ka ba marunong mag-manage ng resort?” hindi mapigilang tanong niya kay Makki. Bago pa ito makasagot sa kanya ay muli siyang nagsalita. “Alam mo naman sobrang baba ng kita ng resort, hindi ka ba gumagawa ng paraan?” Pero imbes na mapikon si Makki ay nagkibit-balikat ito. “Dati naman malakas ang kita ng Paradise. Nitong mga nakaraang taon kasi marami ng nagsulputan na mga murang resorts malapit sa bayan ng Badian. Doon nagsimulang bumama ang kita namin.” Padabog na inilapag niya ang reports sa table ni Makki. “This is business, Makki. Don’t expect na lagi kang nasa tuktok. You must know how to be competitive. Improve your business and be unique. Tandaan mo na kumikita ang isang resort dahil sa mga turista.” “To tell you frankly, palubong na ang resort mo. Kung maaga palang na nakagawa ka ng paraan, nakabawi sana kayo.” wika niya na may kasamang pukpok sa table. “Hindi ba kaya ka nandito para tulungan kami?” Tinaasan niya ito ng kilay. “Makki, hindi ako Diyos para sa isang pitik lang magagawa kong ayusin ang lahat ng problema mo.” Bumuntong-hiningan ang lalaki. “What will you do? I’m sure mas marami kang idea para makabawi ang resort at makaakit ng customers. Unlike me na limited lang ang ideya ko.” Sa sinabi ni Makki ay feeling niya lumamang siya ng husto dito. Biruin mo, aminado ito na magaling siya sa business? Feeling niya tuloy pumapalakpak ang dalawa niyang tenga. Biruin mo yun? Mukhang tiwalang-tiwala talaga ito sa kakayahan niya pagdating sa negosyo. Tumikhim muna siya bago magsalita. Halatang pinipigilan niya na mapangiti dahil sa sinabi ni Makki. “Kailangan natin magkaroon ng tour packages na mas mababa sa ibang inaalok ng resort. List down all the places around south cebu na magandang puntahan. We will give huge amount of discounts sa mga unang mag-a-avail ng package. What can you say? Am I brilliant?” mayabang na tanong niya kay Makki. Tumango-tango ito sa sinabi niya. “Ang galing ng idea mo. Gusto ko yan, Lyn.” Lalo siyang napangiti sa sinabi nito. Feeling niya ang galing-galing niya ng mga oras na iyon. “Kung magkakaroon tayo ng tour package, it means na kailangan natin ng van.” “Of course! We really need a van. Siguro naman meron kayo? 18 to 19 persons will do.” “Of course, wala. Ordinary car lang ang meron ako.” Nang marinig niya iyon ay awtomatikong nawala ang magandang ngiti niya. “What?” “Wala akong van. So, we cannot implement that tour package. Or we can rent vans.” Napahawak siya sa noo niya at saglit na nag-isip. Hindi yata siya papayag na sumuko na lang sa isang ideya na gustong-gusto niya. “Okay, Okay. May naisip akong paraan para makabili tayo ng van kahit na second hand lang.” “I’m sorry pero alam mo naman na walang kinikita ang resort kaya can’t afford na bumili ng van.” ani ni Makki. Umiling siya dito. “Hindi ba painter ka?” “How did you know that?” gulat na tanong ni Makki sa kanya. Halatang hindi nito inaasahan na sasabihin niya ang bagay na iyon. Doon siya napangiti ulit. “Pwede bang makita ko ang mga gawa mo?” PAGKATAPOS tignan ni Lyn ang lahat ng paintings na nakatago sa isang kwarto na halatang studio ni Makki ay isa lang ang pwede niyang masabi sa mga obra nito. Kung wala itong swerte sa negosyo, sobrang talented naman si Makki sa larangan ng pagpinta. Karamihan sa paintings ni Makki ay mga magagandang lugar at tanawin. Ang iba ay abstract pero maganda sa mata. Hindi man siya mahilig sa mga paintings o magaling tumingin sa kalidad noon ay masasabi niyang ibang level ang galing ng kamay ni Makki sa pagpinta. Kanina pagkatapos nilang mag-usap ni Makki ay nagkaroon siya ng oras para ma-search sa google ang pangalan nito na agad naman niyang nakita ang mga achievement ng lalaki sa larangan ng sining. “Hey, Makki. I know na kilala ka sa larangan ng sining. But why are you here? I mean, bakit nandito ka sa malayong resort na ito at nagtatago?” tanong niya habang pinagmamasdan ang isang paintings nito. Nang nagkibit-balikat lang ang binata ay nagsalita ulit siya. “Gagawa tayo ng event.” “Gagawa ng event? Anong event? You mean a painting exhibit?” “Makki Quijano’s Paintings. Kaya mas mabuti pa kung ilabas mo na ang lahat ng paintings mo kung may tinatago ka pa. We will selling tickets para sa event. I’m pretty sure na marami kang fans.” Hindi na niya binigyan pa ng pagkakataon si Makki na makapagsalita o kumontra. Agad niyang kinuha ang cellphone niya at tumingin sa calendar. “Gaganapin natin ang event 5 days from now para marami tayong time para mag-asikaso at mag-invite ng mga pupunta.” Nang hindi kumibo ang lalaki ay binalingan niya ito. “What?” tanong niya dito na may halong pagbabanta. “Don’t tell me kokontrahin mo ang idea ko?” nanlalaking-mata na tanong niya niya. “Alam mo ba, kapag marami kang nabentang paintings mo baka makabili ka pa ng dalawang sasakyan.” wika niya sabay senyas pa dito ng dalawa. “We need a van, Makki.” ulit niya ulit sa sinabi niya. “At kung suswertihin, mas madadagdagan ang budget natin sa mga package tours. Kaya hindi ako tumatanggap ng kontra mo.” Pero dahil expected na niya na kokontra si Makki sa ideya niya ay may nakahanda na siyang dahilan kung sakali man na magsalita ito laban sa kanya. Pero imbes na kumontra ay napangiti ito pero hindi na nagsalita. “H-hoy! Bakit ka ngumingiti dyan?” tanong niya dito na medyo nag-startle pa siya. Tama ba ang nakikita niya? Si Makki ba talaga ang ngumingiti sa harapan niya ngayon? O baka naman nag-iilusyon na naman siya? Sabagay, this is the first time na nakita niyang ngumiti ang binata simula ng nagkita sila. Bigla tuloy niyang naalala ang sinabi ni Bella kanina na joker at palabiro ang daddy nito. Lalo naman napangiti ang lalaki. “Why? Masama bang ngumiti? Saka sabi mo bawal akong kumontra. Kaya dinaan ko nalang sa ngiti.” Napalunok siya. Natataranta kasi siya dahil ang ganda ng ngiti ni Makki. “S-sinabi ko bang masama?” nanlalaking-mata na sabi niya. “Saka nasaan na yung hinihingi ko sayong list? Nagawa mo na ba?” palusot na tanong niya dito. Bago kasi sila nagpunta sa studio nito ay binigyan muna niya ng oras si Makki para ilista ang mga places na pwedeng puntahan sa South Cebu. Napapailing nalang si Makki sa kanya. “Here.” wika nito na akmang kukunin ang kamay niya para doon ilagay ang papers. Ngunit napapitlag siya ng maramdaman niya ang pagkakadikit ng balat nilang dalawa ni Makki. Kaya awtomatikong napaatras siya sa kinatatayuan at tininago niya sa likuran ang kamay niya na kanina lang ay nahawakan ni Makki. Bakit ba ganoon nalang ang reaksyon ng katawan niya kapag nagkakadikit silang dalawa? “B-bakit ka ba nanghahawak dyan? Pwede mo naman ibigay ng hindi mo hinahawakan ang kamay ko.” Tinaas nito ang kamay na may hawak na papel na hinihingi niya. “Hey, I’m sorry. Gusto ko lang ibigay ang hinihingi mo.” Umiiwas siya ng tingin dito. “Ilagay mo nalang don.” wika niya sabay nguso sa table. Nang hindi pa din kumilos ang lalaki ay napilitan siyang tignan ito. Pagtitig niya dito ay kumabog na naman ng husto ang dibdib niya. “You’re beautiful, Lyn.” Awtomatikong nakaramdam siya ng pag-iinit ng mukha sa sinabi ni Makki. Ano bang nangyayari sa lalaking iito at bakit siya sinasabihan ng maganda daw siya? At bakit parang bumait yata ito? Baka bukod sa kakayahan niya sa pagpapatakbo ng business e may iba pang kailngan si Makki sa kanya? Wait, baka katawan niya ang kailangan nito? Get a grip, Lyn! For Pete's sake! “A-alam ko. Matagal ko ng alam na maganda ako.” taas noong wika niya dito. Hindi niya pwedeng ipakita kay Makki na deep inside her ay natataranta siya. Lalong ngumiti si Makki sa sinabi niya. Utang na loob! Huwag kang ngingiti ng ganyan! tili ni Lyn sa isipan niya. Para mabawasan ang nararamdaman niya ay pahablot niyang kinuha ang hawak na papel ni Makki at nagkunwari siyang tinignan at binabasa. Kailangan niyang i-divert sa iba ang atensyon niya. “Sasabihin ko nalang ang iba ko pang ideya kapag nagawa ko na ang concept. Ibibigay ko-” “Let’s take a break, Lyn.” putol ni Makki sa kung anuman ang sasabihin niya. “W-What?” “Let’s take a break. Ilang hours na din tayong nag-ta-trabaho ngayon araw.” Nanlaki ang mata ni Lyn ng biglang kunin ni Makki ang kamay niya na nasa likuran niya at hawakan. “T-Teka, Makki.” natatarantang wika niya sa lalaki. Wala na siyang nagawa ng tuluyan na siyang hilahiin nito habang hawak ng mahigpit ang kamay niya. Ramdam na ramdam niya ang init nito habang hawak at magkadikit ang balat nilang dalawa. Hindi niya akalain na iba pala ang pakiramdam kapag hawak ni Makki ang kamay niya. Feeling nga niya ay magka-holding hands na silang dalawa. Kaya hindi na naman niya mapigilan ang sarili niya na mag-blush. Napansin nalang niya na nasa garden na silang dalawa ni Makki at pinaupo na siya nito sa upuan. Nang binitiwan nito ang kamay niya para umupo sa kabila ay parang bitin pa siya. Malakas tuloy ang urge niya na hilahin at hawakan ang kamay ni Makki. Magsasalita pa sana siya ng mapansin ni Lyn na may isang edad na babae ang may dalang tray. Kung hindi siya nagkakamali ng hinala ay malamang na si Manang Salve iyon. Ang isa sa care taker ng resort. “Salamat, Manang.” ani ni Makki pagkalapag ng meryenda na dala nito. “Pakidalhan din po si Bella sa kwarto.” “Sige, Makki.” ngumiti ito sa kanya. “Masarap yan, hija.” wika nito pagkatapat ng pagkain sa kanya. Tumango siya sa matanda at ngumiti. Nang wala na ito ay muling nagsalita si Makki. “Eat. Masarap ang meryenda na inihanda ni Manang at saka hindi ka dapat nagpapagutom. Hindi pwedeng magkasakit ang magsasalba ng resort naming ni Bella.” Nagdududang tumingin siya sa lalaki. “Bakit?” “Anong bakit?” balik tanong ni Makki sa kanya. “Bakit bumait ka?” “Masyado ba akong masama sa paningin mo?” “Hindi. Masyado ka kasing naging masungit ng malaman mong hinahanap ko si Marlou.” wika niya dito. He sighed. “You should eat first. Then, saka tayo mag-uusap.” Bumungtong-hininga din siya sabay tango. Itinuon muna niya ang pansin niya sa pagkain ng tinapay na may toppings na cheese sa ibabaw. Hindi niya alam kung anong tawag doon ngunit sigurado siyang isa yun sa delicacies ng Cebu. Nang tapos na siyang kumain ng isang tinapay ay nagsimula ng magsalita ulit si Makki. “Ano ba ang ginawa sayo ni Marlou at kahit sa Cebu napasugod ka? Imposible naman na gusto mo lang siya makita. Bakit mo siya hinahanap? I think taga-Manila ka base sa salita mo.” “Tinakbo niya lang naman ang malaking pera namin. Take note, milyon-milyong pera naming. And I needed to take it back from him no matter what.” Napailing si Makki sa narinig. “No wonder na gagawin niya ang bagay na iyan. Hindi na ako nagtataka.” "You don't like Marlou, do you?" "What made you think of that?" Nagkibit-balikat siya. "Kung close talaga kayo ni Marlou dapat wala ako dito ngayon dito sa resort mo at hindi ako kumakain dito ngayon. May ginawa ba siya sayo? Did he also steal your money like he did to us?" Imbes na sagutin ni Makki ang tanong niya ay pinagkatitigan lang siya nito. Alam niyang marami pang hindi sinasabi sa kanyang informationang binata sa kanya. There's something important na hindi niya alam at iyon ang kailangan niyang malaman. "Makki, spill it out." "I don't know what you're talking about, Lyn." ani nito. Pinaningkitan niya ng mata si Makki. “Alam mo kung nasaan si Marlou, ano?” Umiling ito. “I don’t know where in the hell he is right now. Ang talagang choice mo lang ngayon ay hintayin siya na pumunta dito at bisitahin si Bella.” She sighed. Kinuha niya ang pagkain na nasa plato ni Makki at kinain niya iyon agad. “Akin nalang ‘to. Na-stress ako.” Pero hindi siya susuko hanggat hindi niya nalalaman ang iba pang impormasyon nalalaman ni Makki tungkol kay Marlou. “Salamat nga pala.” “Para saan?” tanong niya sa pagitan ng pagnguya. “Sa gagawin mong pagtulong sa resort.” ani ni Makki sabay buntong-hininga. “Hindi lang para sa resort kundi para na din kina Manang Salve at Mang Lino. Simula ng palugi na ang Paradise ay halos wala na akong mapasahod sa iba ko pang tauhan dito kaya umalis na sila. Sina Manang na lang ang hindi umalis kahit na minsan late ako sa pagbibigay ng sahod sa kanila. Hindi lang para sa Paradise at kay Bella ang ginagawa natin kundi para na din kina Manang Salve at Mang Lino.” Awtomatikong natigilan siya sa pagnguya at napatingin sa seryosong mukha ni Makki. Ngayon lang niya nakita ang soft side na iyon ng binata kaya naman hindi niya mapigilang umusbong lalo ang paghanga niya sa binata at sa eagerness niya tulungan ito. “Huwag kang mag-alala. Gagawin ko ang lahat para sa resort.” Nang marinig ng binata ang sinabi niya ay nginitian siya nito sabay hawak sa kamay niya. Ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan nito kaya naman ilang segundo din niyang parang natulala lang sa harapan nito. “M-Makki.” ani niya sa binata. “Yes?” nakangiting tanong nito sa kanya na lalong nagpakabog ng dibdib niya. “Y-Yung kamay ko kasi hawak mo hindi ako makakain.” nabubulol pang sabi niya sa binata. Natatawang binitawan naman iyon ni Makki ngunit bago nito pakawalan ang kamay niya ay naramdaman niya muna ang pagpisil nito. “Sorry.” Napahugot na lang ng hininga si Lyn bago ipagpatuloy ang pagkain niya. Minabuti na lang niyang huwag na lang muna tignan si Makki dahil hindi na talaga siya mapakali sa kinauupuan niya at parang umiikot ang pwet niya ng mga oras na iyon. Ibang Makki na talaga ang kaharap niya ngayon kaya naman hindi nakapagtataka na natataranta siya lagi. Ngayon lang niya napatunayan na iba talaga ang epekto nito sa kanya. NANG hapon din iyon ay nagpatawag ng meeting si Lyn. Si Manang Salve, Mang Lino, Bella at Makki lang naman ang staff ng resort kaya ito lang din ang mapag-ta-tyagaan niya. Kailangan na kasi niyang i-discuss sa mga ito ang mga dapat gawin sa gaganaping event sa resort dahil kulang talaga sila sa oras. Kaya nagsimula agad siyang magsalita ng kumpleto na ang tatlo at matamang nakatingin sa kanya habang nakaupo ang mga ito. Tumikhim muna siya ng ilang beses bago nagsalita. “I would like to discuss about the preparation in our upcoming event.” wika niya sabay abot ng kanya-kanya papel sa mga ito. “Nakalagay dyna ang mga tasks niyo. Kindly read ito and let me know kung ano ang pwede natin idagdag o suggestions.” Tumaas ang kamay ni Bella na ikinatawa niya. “Yes, Bella?” “What is Asher, Ms. Lyn?” “Sorry, darling. Hindi ko naipaliwanag agad sayo. You will be the one who will greet the guests and guide them in our venue. Would that be Okay with you?” Saglit na nag-isip si Bella sa sinabi niya at halatang pilit nitong iniintindi. Habang si Makki naman ay pinagmamasdan lang ang anak. Halatang naaaliw ito habang nakatingin kay Bella. “Can I wear my beautiful dress?” bagkus ay tanong ni Bella sa ama. Nang tumango si Makki ay doon napangiti ng husto si Bella. “Yes!” “Of course, Bella. Kailangan isuot mo ang pinakamaganda mong dress. And tomorrow, magpa-practice tayo ng gagawin mo sa event, oke lang ba?” Tuwang napatango sa kanya ang bata. Halatang gustong-gusto nito ang idea niya. Binalingan naman niya si Manang Salve. “Ikaw ang bahala sa food. At ikaw, Makki.” wika niya sabay turo sa lalaki. “Dahil ikaw ang main event-” “Ang mga paintings ko ang main event.” She rolled her eyes. “Kailangan mong maging presentable sa mga bisita. Wear your best suit. Para mas makakasiguro tayo na may bumili ng paintings mo.” “I don’t have suit.” Magsasalita sana siya ng biglang tumaas ng kamay si Bella. “Yes, Bella?” “Meron po si Daddy na suits. Sinuot niya yun nung may event sa school.” Naiiling na natatawa na lang si Makki sa sinabi ng anak ngunit hindi na ito nag-react pa. “Very good, Bella.” muli niyang binalingan si Makki. “Let me remind you, Makki. We’re doing our best for the resort. And give me list ulit ng mga kakilala mo na pwedeng pumunta ng event mo kahit na nasa Manila. I’m sure kung fans sila ng obra mo pupuntahan ka nila kahit malayo ka pa. Ako na ang mag-i-invite sa kanila.” Tumingin siya sa tatlo bago magsalita. “Any objections?” Tulad ng inaasahan niya ay nagtaas ng kamay si Makki. “I will not accept any of your objections, Makki.” “Hey, that’s unfair.” Napangisi siya sa lalaki. Alam niyang ayaw nitong magsuot ng mga ganong klase ng damit. “Why not? I am the brain of the resort. Meeting is adjourned.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD