KASALUKUYANG nasa reception si Lyn ng mga oras na iyon at busy sa pag-aayos ng invitations and programs sa gaganaping painting exhibit ni Makki. Ilang araw nalang kasi bago ang event kaya marami pag dapat asikasuhin. Nakagawa na din siya ng invitations para sa exhibit. Ang kailangan na lang nilang gawin ay ipadala ng personal sa special guests ni Makki ang invitation. She also make sure na mapapadalhan din ang mga may-ari ng art gallery sa Cebu City. By this week siguro ay makakatanggap na sila ng response sa mga target guests nila. Kailangan maging succesful ang event na ito dahil kailangan na kailangan talaga nila ng pondo para pambili ng sasakyan para sa resort.
Sa totoo lang, halos hindi na niya alam kung ano ang uunahin niya para naman kahit papaano ay makaroon ng guests ang resort. Pero alam niyang hindi na magiging mahirap abutin ang nga customers dahil na rin sa masyado ng malawak ang social media sa bansa.
She created a f*******: account and page para sa Paradise Resort. Sumali din siya sa mga DIY Philippines na isang sikat na travel group sa bansa at mga groups na makakatulong sa resort. She also created a special discounts, tour packages and promos na mas mababa pa kaysa sa mga resorts sa Badian.
Sa ngayon, wala silang choice kung hindi mas babaan nila ang presyo ng packages at rates nila dahil isa din iyon sa nagpapahikayat sa mga customers.
"Alright!" tuwang bigkas niya ng may mag-message sa account ng Paradise para mag-inquire ng south packages tour nila.
Hindi siya nabigo sa plan niyang mababang tour package. Sino ba naman kasi ang ayaw sa mababang rate pero sulit? Alam niyang makukuha niya ang customer na iyon ngayong araw kaya naman laking tuwa niya ng sinabi nito na magdedeposit ito ng 50% downpayment sa account ng resort.
"Mukhang may magandang nangyari ah."
Awtomatikong nawala ang atensyon niya sa laptop ng marinig niya ang boses ni Makki na nasa harapan na niya pala ngayon.
"Well, Makki. May seven guests ka na nagpabook one day after the event." proud na pagbabalita niya sa binata na lalo naman nagliwanag ang mukha nito.
"Really?! That's good to hear! Saan mo nakita ang guests natin? Wala naman tumatawag ngayong araw para mag-inquire ah." tanong ni Makki sa kanya.
"Makki, wala ka bang f*******:? i********:? Twitter? Hello? Malawak na ang social media. Marami ng paraan para madaling makakuha ng guests." ani niya.
"Palibhasa, kaharap mo lang canvass mo eh." pabulong na sabi niya.
"What did you say?"
"Wala.I told you, magaling ako sa business. Hindi ka nagkamali na pilitin mo akong tulungan ka." ani niya.
"Pinilit ba kita?"
Masamang tinignan niya ang binata na kinatawa lang nito. "Eh kung alisan kaya kita ngayo din?"
"Hind mo naman makikita si Marlou kapag umalis ka." sagot naman ni Makki na nakangisi pa sa kanya.
Nitong mga nakaraang araw napapansin niyang laging nakangiti sa kanya si Makki at lutang na lutang din ang pagiging palabiro nito tulad ng sinabi ni Bella sa kanya. Lagi din niyang nakikita ang mag-ama na laging nakatawa kapag magkasama na ito.
Halatang walang dull moments sa pagitan nina Makki at Bella. Malayong-malayo sa Makki noong una silang nagkita.
Bilang sagot sa sinabi nito ay padabog na inilapag niya ang papel sa harapan nito.
"Imbes na ngumiti ka dyan para asarin ako-"
"What? Hindi kita inaasar, Lyn." nakangiting sabi nito.
She rolled her eyes. "For your information, Makki. Halos 60% na ng invitations para sa exhibit mo napadala ko na thru mail. Yung 40% pakisuyo mo na lang kay Mang Salve o kung sino man ang mauutusan mo. Then may mga special guests tayo na kailangan mong personal na ibigay ang invitation-"
"I'll just call them. No need to go personally."
Pinanlakihan niya ng mata si Makki. "Eh kung layasan na talaga kita?"
"Hindi mo makikita si Marlou." natatawang sagot ulit ni Makki.
"Makki!"
"Okay, Okay! I'll give them personally." ani nito sabay kuha din ng invitation na nakalapag sa table.
Umirap siya dito. Pero hindi niya mapigilan na makaramdam ng saya at tuwa sa nagiging usapan nila ni Makki. Halatang enjoy na enjoy ang binata sa takbo ng usapan nila kanina. At dahil gusto niyang panindigan na inis pa din siya ay muli niyang inirapan ulit ang binata.
"Anyway, isa sa dahilan kaya kita pinapunta dito ay para sa sa ginagawa kong program."
Nagulat siya ng bigla nalang itinungkod ni Makki ang dalawang kamay nito sa reception table at tumunghay sa kanya.
Ramdam niya ang init nagmumula sa katawan ng binata. Bakit naman hindi? Eh halos ilang dangkal na lang ang layo nila sa isa't isa.
Nangingiming napaatras si Lyn. "Pwede ba, Makki? Layo-layo kapag may time." ilang niyang sabi dito.
"Oh? Why? You find me attractive?" playful na tanong nito sa kanya na nagniningning pa ang mata.
Pinanlakihan niya ito ng mata. "Hindi. I find you irritable."
Sinungaling ka, girl! Gwapong-gwapong ka kaya!
Para makaiwas kay Makki ay binuklat niya ang notebook kung saan nandoon ang itatanong niya sa binta.
"Be serious, Makki!" banta niya dito.
"Seryoso naman ako ah." ani nito pero nakangiti.
Humugot siya ng hininga bago muling nagsalit. "Birthday?"
"Why?"
"Makki!"
"Okay!" natatawang ani nito sabay taas ng kamay. "June 17, 1985."
"College?"
"University of the Philippines, Fine Arts. If you will ask me why I fine arts, parents ko is both painters din so hindi nakapagtataka na namana ko sa kanila ang talent ko sa pagpinta." ani ni Makki. "Teka, bakit pala kailangan pa ng ganyan?"
Binaling niya ang tingin sa mukha ni Makki mula sa pagsusulat niya sa hawak na notebook. "Hello, Makki? For your biography. Never heard of that?"
Nagkibit-balikat ang binata. "Fine. Any more questions?"
"Single?"
"Obviously, I'm a widow. I'm sure Bella already told you about it."
Hindi pinansin ni Lyn ang side comment ni Makki bagkus ay pinagpatuloy niya ang pag-interview dito. "Do you have a girlfriend right now?"
Ilang segundong hindi sumagot si Makki sa tanong niya ngunit pinili pa din niya na hindi ito tignan at kunwaring abala siya sa pagsusulat sa notebook niya.
"Kailangan ba talaga ang tanong na yan sa Biography ko?" amused na tanong ni Makki.
"Ang dami mo naman side comments, Makki. I'm just doing this para mas lalong mapaganda ang prgram." katwiran niya dito.
"I think pupunta sila sa event hindi dahil sakin kundi para makita nila ang mga paintings ko."
Natahimik siya sa sinabi niMakki.
Ayan! Kung ano-ano kasi ang iniisip mo!
Sinara na niya ang notebook na naglalaman ng iba pa niyang tanong dapat.
"Oh? Bakit mo sinara? Tapos na agad ang interview?" takang tanong sa kanya ng binata.
Iniiwas niya ang paningin niya dito. “Ako na lang bahala sa ibang information na kailangan ko.”
Ang akala niya ay hindi na magrereact si Makki kaya nagulat na lang siya ng biglang kunin ni Makki ang notebook mula sa kanya at binasa. Nanlalaking mata na pilit niyang inagaw iyon sa binata ngunit dahil mas matangkad ito sa kanya ay hindi niya magawa.
“Birthday, achievements, most beautiful paintings.” bigkas nito habang binabasa ang mga nakasulat sa' notebook. “Nasaan ang tanong mo kanina? Wala naman nakasulat about sa relationship status ko dito.” amused na ani ni Makki sa kanya.
Pakiramdam niya ay namutla siya ng husto sa nangyari kaya ng makahanap siya ng pagkakataon ay inis na hinablot niya ang notebook dito ngunit hindi siya nagtagumpay.
“Bakit ba kasi nangingialam ka?”
“Bakit wala dyan yung tanong mo sakin kanina?” balik tanong naman sa kanya ni Makki.
“Malabo lang mata mo. Magsalamin ka na” katwiran niya.
Muli nitong tinignan ang notebook niya.
“Wala kaya dito. Wala akong nabasa. I’m willing to answer your questions kung curious ka talaga sa relationship status ko.” nakangising wika ni Makki.
Todo-todong irap ang ginawa niya sa binata dahil sa sinabi nito. “Wala ng biography. Kalimutan mo na.”
Nginisian siya ng binata na para bang inaasar pa siya nito. Dahil feeling niya ang napahiya siya ng husto dito ay padabog niyang ibinigay dito ang folder. “Bakit kasi tingin nang tingin sa notebook ng iba.” reklamo niya dito. “Ganyan dapat ang binabasa mo.” ani pa niya dito.
Hindi nawawalang ang pagkakangisin ni Makki habang binubuklat ang folder na binigay niya.
“What is this?” tanong nito.
“List yan ng places na pwede natin puntahan na malapit sa South Cebu. Mga tourist attractions na talagang dinadayo ng mga turista sa iba’t-ibang lugar. We need to got there para makakuha ng contacts natin at makakatulong para sa ginagawa natin tour packages dito sa resort. At para naman makatulong ka sakin sasamahan mo ako ngayon sa mga lugar na yan. Isa pa, kailangan din natin ayusin ang mga papers kung mayroon man para sa new packages ng resort, maliwanag ba?”
Nang hindi pa din kumibo si Makki ay muli niya itong binalingan. “Makki? Kailangan ko pa bang ulitin ang explanation ko?”
“Mamamasyal tayo sa buong South Cebu?” tanong nito at halatang nag-iisip. “Well, pwede mo naman akong maging tour guide.”
“Excuse me, Makki. Hindi tayo mamamasyal. Kailangan lang natin ng contacts and I’m sure wala ka non.” ani niya.
“Tayo lang dalawa?”
“Isasama natin si Bella.”
Sus, kunwari ka pa! Eh gusto mo kayang masolo si Makki! tuya ng isipan niya.
Nanlaki ang mata niya. Hindi kaya!
Umiling si Makki. “Sorry, darling. Pero hindi pwede si Bella dahil nasa school siya.”
“E di si Manang Salve na lang.”
“She needs here dahil mawawala ako.” paliwanag ni Makki.
“Si Mang Lino na lang!” exaggerated na tonong sabi niya.
Napangiti ang binata. ”Nope. Tayong dalawa lang ang aalis.”
Napalunok siya ng ilang beses bago magsalita. “As if I have a choice?”
Napapitlag siya ng hawakan at pisilin ni Makki ang baba niya. “See you in fifteen minutes. Then, we’re ready to go.”
Naiwan si Lyn na nakatulala sa ginawang gestures ni Makki hanggang sa makaalis ito sa harapan niya. Hinaplos niya ang baba niya na kanina lang ay hawak lang ng binata na feeling niya ay para bang nandoon pa din ang init na galing dito.
Napakagat-labi si Lyn. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit parang unti-unti na niyang nagugustuhan si Makki? Bakit parang sa bawat araw na dumadaan ay parang nahuhulog na siya sa binata?
She sighed. Hindi siya dapat nag-iisip ng ganoong bagay dahil hindi pwede lalo pa’t hindi pa niya naaayos ang personal niyang problema. Hindi pa niya pwedeng i-entertain ang personal feelings niya sa ngayon dahil kailangan muna niyang ayusin ang problema niya sa buhay.
KUNOT-NOONG tinignan ni Lyn ang sasakyan na nasa harap ng white house.
“Is this your car?” tanong niya kay Makki.
Hindi naman sa minamaliit niya ang kotse nito pero sobrang luma na kasi ang kotse na nasa harapan niya ngayon. Halatang napabayaan na iyon ng husto at hindi naalagaan.
“Umaandar pa ba ‘to?” tanong niya sabay katok sa pintuan niyon.
Nagkibit-balikat si Makki sa tanong niya. Imbes na sagutin ay binuksan nito ang pintuan ng passenger seat na inalalayan pa niya dahil natakot siyang baka biglang bumitaw.
“Hop in.” nakangiting senyas ni Makki sa kanya. “Don’t worry hindi pa yan susuko ngayong araw.” natatawang wika nito sa kanya.
Pagkapasok niya ay napansin naman niyang maayos naman ang loob niyon kahit na may kalumaan na talaga. At halatang hindi na gumagana ang aircon nito.
“Kailangan na talaga natin makabenta ng mga paintings mo sa gaganaping exhibit para makabili na ng van kahit second hand lang.” ani niya habang pinapaandar ni Makki ang kotse.
Napangiwi na lang siya nang ilang beses nitong ini-start ang engine ngunit hindi iyon umandar.
“Mukhang hindi na sanay ang kotse ko na may makasakay na chicks.” biro ni Makki sa kanya na ikinairap niya lang.
Napahinga na lang siya sa relief ng nag-start na ang kotse saka lang siya nagsalita ng nakalabas na sila ng resort.
“Una natin puntahan ang Oslob. Isa kasi siya sa pinakasikat na tourist spot dito sa Badian dahil sa whale watching. Then next yung mga falls and canyoneering na isa din sa pinupuntahan ng turista. I think na afford naman natin ang mga gamit sa canyoneering or we better rent na lang muna para makatipid sa expenses natin. We can coordinate naman sa mga locals sa Badian para sa rentals.” mahabang explanation niya kay Makki.
“Good thinking.” ani ni Makki.
Kunot-noong binalingan niya ang binata.
“Sikat kang painter, Makki. Why don’t you sell you paintings dati pa? Im sure malaking tulong iyon para sa resort mo.”
Ilang saglit lang na tumahimik ang binata sa sinabi niya na halatang pinag-iisipan nito kung sasagutin ang tanong niya. “Matagal na akong hindi nagbebenta ng mga gawa ko.”
“Why? Nakita ko naman ang mga paintings mo at magaganda naman siya.”
Nagkibit-balikat ang binata. “I’m not contented with my works, that’s all. I mean, something’s missing. You’ll never know because you’re not a painter. Hindi dahil sa marunong akong mag-paint ay basta ko na lang ilalabas ang mga obra ko kahit hindi ako kuntento.”
“Bakit naman? Parang wala namang problema sa mga gawa mo. Naku, Makki. Baka naman tumutol ka kapag may bumili ng paintings mo? Hahambalusin kita dyan sige ka. Kailangan natin ng income para sa needs ng resort kaya kung may bibili ayokong may maririnig na salitang hindi galing sayo.” matigas na sabi niya sa binata.
“I have no choice kundi suportahan at sundin ang mga plano mo para sa ikabubuti ng resort. Tutal, kailangan ko talaga ng tulong mo.”
Sa narinig ay parang isang magandang balita iyon sa kanya kaya masayang tinapik-tapik niya ang braso ni Makki. “Ganyan nga.
Dapat ganyan ang attitude mo para magkasundo tayo agad. Ilang oras pala ang byahe natin papuntang Oslob?”
“One hour most probably.” sagot nito.
She sighed. Expected na niya ang ganoong kahabang byahe kaya naman she take note kung gaano kahaba ang byahe papunta sa Oslob dahil malamang sa malamang ay siya ang magiging tour guide ng guests nila.
“Lenny’s owns the resort.”
Narinig niyang wika ni Makki habang busy siya sa pagsusulat sa notebook niya.
“Lenny? Sino yun?” takang tanong niya.
“Bella’s mother.”
Awtomatikong napabaling siya sa binata dahil sa sinabi nito.
“Originally, siya talaga ang may-ari ng resort. Ako lang ang nag-manage ng mawala na siya.” wika pa ni Makki.
Hindi niya alam pero parang biglang nawala ang maganda mood niya kanina lang nang mabanggit ni Makki ang pangalan ng namayapa nitong asawa.
Mahal pa kaya nito si Lenny? Bigla niyang naitanong sa sarili niya.
At bakit mo naman gustong malaman, aber? Selos ka kasi gusto mo na si Makki? tuya ng isipan niya.
Umiling-iling siya tanda ng hindi pagsang-ayon sa naisip niya.
Hindi. Hindi ko gusto si Makki. Hindi ko gusto si Makki. Hindi ko gusto si Makki.
Parang tangang paulit-ulit niyang binibigkas iyon sa isipan niya. Mind over feelings na ang nangyayari sa kanya kumabaga.
“Why? What’s wrong?”
Wala sa sariling binalingan niya si Makki.
“Ha?”
“Bakit ka napapailing? May problema ba?” tanong nito.
“Wala.” maikling sagot niya sa binata.
Nang hindi na kumibo si Makki ay ibinaling na lang niya ang atensyon sa labas ng bintana. Dahil presko at malayo sa polusyon ang Badian ay hindi na kailangan talaga ng aricon dahil sa presko ang hangin don. Ibang-iba talaga ang ganda ng South Cebu. Malinis at napakaganda ng tanawin. Sa totoo lang ay ngayon lang niya naappreciate ang ganda ng buong lugar kahit na mahigit isang linggo na siya sa Badian. Wala kasi siyang iniisip kundi kung paano mabawi kay Marlou ang pera na ninakaw nila sa kanila. Kahit ang Daddy niya ay hindi niya sinasagot ang mga tawag nito. Gusto muna niya na bago siya humarap ulit dito ay nabawi na niya ang pera nito.
Napalingon siya kay Makki ng maramdaman niya ang masuyo nitong pagpisil sa kamay niya. “Don’t worry. You’ll get it back soon.”
Nagtatakang tinignan niya ito ngunit bago pa siya nagtanong ay nagsalita na ang binata. “I mean your money. You’ll get it back soon. Tutulungan kita I promise you.
Ilang linggo na lang ang hihintayin mo.”
Bumuntong-hininga na lang siya. “Yes, gagawin ko ang lahat para mabawi kay Marlou ang pera ko.” ani niya na habang sinasabi ay nakakuyom ang mga kamao niya.
“That’s good to hear.”
Tama ang sinabing oras ni Makki sa naging byahe nila papuntang Oslob. Pagdating na pagdating nila doon ay marami na agad na turista ang nandoon. Halatang naging tourist destination na ang Oslob dahil na din sa mga whales. Nanghinayang tuloy siya dahil hindi siya nakapagdala ng panligo niya. Hindi niya tuloy ma-e-experience ang whale watching. Agad silang nagpunta ni Makki sa lugar kung saan ginaganap ang maikling orientation para sa mga turista na nag-avail ng whale watching. Doon kasi sinasabi ang mga do’s and don’ts para sa whale watching at pakikihalubilo sa mga balyena.
Pagkatapos ay naghanap din siya ng mga tour guide na pwede niyang makuha in case na kailangan nila at iba pang contact para makamura sila sa mga bayarin. At syempre pa, dapat gamitin niya ang malakas niyang appeal sa mga tao. Hindi nga siya nagkamali dahil hindi siya nahirapan makahanap ng murang rate para sa tour na iyon at bonus pa dahil may kasama ng side trip para sa Sumilon Island na halos ten minutes boat ride lang daw mula sa Oslob. Ayon sa nakausap niya ay kasama na din daw ang mga ilang sikat na falls aroung Badian kaya makakatipid sila ng oras ni Makki dahil hindi na nila kailangan puntahan ang mga iyon.
“You want to go there?” tanong ni Makki.
“Sa Sumilon Island. Kailangan lang natin humanap ng boat na maghahatid sa atin sa isla.” tanong ni Makki sa kanya.
Nakaramdam siya ng excitement sa alok nito kaya naman hindi na siya nagpakipot pa at agad siyang pumayag. Agad naman silang nakahanap ng boat na maghahatid sa kanila dalawa papuntang isla. Hindi nga siya nagkamali ng desisyon dahil sobrang ganda ng Sumilong Island. Napakaganda ng paka-blue ng dagat niyon at sa patingin nga niya eh kumikislap ang buong isla. It was a breathtaking scenery. Sobrang ganda talaga ng mga isla ng Pilipinas at proud siya dahil doon.
“Look may sand bar!” masayang turo niya kay Makki habang natutuwang tinitignan ang sand bar ng isla. Mula sa point of view niya ay kumikinang pa ang buhangin.
Pababa na sila ng boat ng mag-decide siyang tupiin ang pants niya. Low tide kasi ang isla ng mga oras na iyon kaya hanggang tuhod lang niya ang tubig.
“The clear water is very tempting. Sayang talaga.” ani niya sa sarili habang patawid sila sa isla.
“You want to swim?” tanong ni Makki sa kanya.
“Wala kaya akong dalang damit panligo-” naputol ang sinasabi niya at napalitan ng tili ng naramdaman niya ang pagsaboy nito ng tubig sa mukha niya. “Ano ba, Makki!” natatawang sabay niya sa binata. “Bakit ka ba nambabasa?”
“Ang lamig ng tubig no?” natatawang wika nito sa kanya.
Napatigil siya ng napansin niyang sumeryoso ang ekspresyon ng mukha ng binata.
“Makki, ano na naman yang binabalak mo?
Kung ano man yan huwag mo ng ituloy.” habang sinasabi niya iyon ay dahan-dahan siyang umaatras mula dito. Kilala na niya ito sa pagiging joker kaya alam niyang may balak itong gawin sa kanya.
Tatakbo pa sana siya ngunit dahil madulas ang tsinelas niya ay nadulas siya kaya naman no choice siya kundi malublob ang buong katawan niya sa tubig. Nang makatayo siya ay kita niya ang binata na todo sa pagtawa dahil sa nangyari sa kanya.
“Wala akong kasalanan dyan, Lyn. Hindi na nga kita naitulak eh.” natatawa pa din sabi nito sa kanya.
At dahil hindi siya papayag na siya lang ang basa sa kanilang dalawa ay bumuwelo muna siya bago niya sinunggaban si Makki.
Natigil lang ang pagtili niya ng maramdaman niya ulit ang pareho nilang paglubog sa tubig ni Makki.
Nang mahimasmasan ay napaupo na lang silang dalawa ni Makki at ilang saglit na nagtitigan bago natawa ng malakas pareho.
“I like it.” wika nito habang nakangiti sa kanya.
I like it lang hindi I like you?ani ng isip niya.
“Yeah. I like it too.”
Halos isang oras din silang naglibot sa Sumilon Island at ni hindi na niya iniisip na wala siyang pamalit na damit pag-uwi. Ang mahalaga lang sa kanya ay i-enjoy ang kagandahan ng isla. By lunch time na sila ni Makki nakabalik ng Oslob dahil doon naka-park ang kotse nito. Nang papunta na sila sa kotse ay noon lang siya nakaramdam ng lamig kaya naman napakayakap siya sa sarili niya.
Napapitlag siya ng maramdaman niya ang pag-akbay sa kanya ni Makki kaya naman napatingin siya sa binata.
“Ayokong nilalamig ka.” nakangising wika nito sa kanya.
Sinuko niya si Makki kaya naman nakalas ang pag-akbay nito sa kanya. “Yayakapin ko na lang ang sarili ko, no.” kunway sabi niya sa binata.
Ngunit kahit na saglit lang ang pagkakaakbay nito sa kanya ay ramdam niya ang init na nagmumula dito na kahit ang sarili niyang katawan ay gusto.
Pagdating nila sa sasakyan ay agad na binuksan ni Makki ang pinto at naglabas ng isang tshirt sabay abot sa kanya.
“Magpalit ka na agad para hindi ka magkasakit.” ani nito sa kanya.
“Paano ka? Anong gagamitin mo?” tanong niya dito.
Nagkibit-balikat si Makki. “I can manage. Ang mahalaga ngayon yung hindi ka magkasakit. Baka hindi kumita ang resort.”
Sa narinig ay pahablot niyang kinuha ang tshirt dito. “Sa sasakyan na ako magpapalit ng damit.” ani niya dito sabay pasok sa loob ng kotse.
Bago pa siya naghubad ng tshirt niya ay ibinababa niya muna ang salamin ng kotse.
“Hindi ka ba tatalikod?” nanlalaking mata na tanong niya kay Makki na nakangiti lang sa kanya. Hindi kasi tinted ang salamin ng kotse nito kaya kitang-kita ang loob niyon.
“Babantayan kita.” nakakalokong sabi nito sa kanya,
“Eh kung hambalusin kita dyan, Makki?” bantang sabi niya sa lalaki na natatawa na lang sa sinabi niya.
“Okay, Okay.” tatawa-tawang wika nito sabay talikod.
“Binabantaan kita, Makki.” ani pa niya habang sinasara ulit ang salamin. “Don’t you dare.” pahabol pa niya dito.
Nahubad na niya ang basang damit ng biglang humarap si Makki sa kanya kaya naman natatarantang tinakpan niya agad ang dibdib niya. Agad niyang binuksan ulit ang bintana at sinigawan ang binata.
“Makki!” tili niya dito.
“Opps. Sorry hindi ko sinasadya.”
“Anong hindi? Kita mo naman nagbibihis ako.” nanlalaking mata na sabi niya dito.
“Tumalikod kana bili!”
Lalo nanggigil si Lyn ng umiling lang si Makki. “Anong hindi? Niloloko mo ba ako?”
“Hindi kita niloloko, Lyn.” wika nito sabay senyas sa likuran nito. “May isa pa kasing viewing doon.” nakakalokong wika nito.
Para makita ang sinasabi ng binata ay inilusot niya ng konti ang katawan sa bintana at pinausod si Makki para makita niya ang tinutukoy nito. May isang foreigner na babae tulad din niya ay nagbibihis. Pero mas daring ito dahil sa labas mismo nagbibihis ang babae.
“Mas gusto ko kasi yung view dito eh.” ani nito na ngiting-ngiti sa kanya. “Mas maganda.”
Napipilan siya sa sinabi ni Makki pero hindi niya mapagkakailang pinamulahan siya ng mukha sa sinabi nito. Para hindi mahalata ay nagkunwari siyang galit sa binata.
“Humarap ka dito pero you should close your eyes.”
“Why?”
Pinanlakihan ulit niya ng mata ang binata.
“Sagasaan kaya kita dyan?”
Natawa ng malakas si Makki bago pumikit.
“Sayang ang magandang view.” pahabol pa nito sa kanya.
Agad naman niyang sinuot ang tshirt na binigay ni Makki. Panalunok siya ng maamoy niya ang tshirt na binigay nito. Kahit na malinis naman ay amoy na amoy pa din ang pabango ng binata na para bang kumapit na sa tshirt at parang tangang inamoy-amoy pa niya iyon ng nakapikit.
Bakit parang ang sarap sa ilong ng tshirt ni Makki? wala sa sariling tanong niya.
“Mabango ba?”
Napapitlag siya ng biglang magsalita si Makki na ngayon ay nakadilat na pala.
Namumutlang umayos na lang siya ng upo sa sasakyan.
Nakakahiya ka, Lyn!
“S-sumakay kana. Kailangan na natin umuwi.”
Pero hindi pa din nagpapigil sa pang-aasar ang binata sa kanya kaya imbes na sundin ang sinabi niya ay inilusot pa nito ang ulo sa bintana. “Ako na lang ang amuyin mo mas mabango pa ko dyan.”
Lalong nag-init ang mukha niya sa sinabi ni Makki kaya naman hinawakan niya ang mukha nito at pilit na inilabas. Agad niyang sinara ang bintana at napahawak sa noo niya.
Nakakahiya ka, Lyn!!!